
Inamin ni Alessandra de Rossi ang tunay na dahilan kung bakit siya hindi nakapagtapos ng pag-aaral at ano ang naging koneksyon nito sa kanyang showbiz career.
Ikinuwento ni Alessandra na nalaman niya na acting talaga ang kanyang passion nang pinili niya ito kaysa sa kanyang pag-aaral.
Pag-amin ni Alessandra sa vlog ni Camille Prats, "Noon, nandiri ako sa school. Ayoko na mag-aral."
PHOTO SOURCE: Camille Prats Yambao (YouTube)
Ayon kay Alessandra, sinabi niya sa kanyang mommy na paghuhusayan na lang niya ang pag-aartista.
Saad ng aktres sa "Cam Cook With Me" segment sa channel ni Camille, "Sabi ko, 'Mama, gagalingan ko mag-artista.' Tapos umiiyak siya, 'Please tapusin mo 'yung school.'"
Inihayag rin ni Alessandra na emosyonal ang kanyang mommy dahil para sa kanya, pagsisisihan raw ito ng aktres sa huli. Pero ayaw na raw talaga mag-aral ni Alessandra kaya nag-focus siya na paghusayan ang pag-arte.
"Ayoko na mag-aral, 'yun talaga ang totoong reason. Napagod ako. Ayoko nito. Mag-aartista ako, Mommy, gagawin ko ang lahat."
Para kay Alex, nakaramdam siya ng pagsisisi na hindi siya nakapagtuloy ng pag-aaral nang nagsimula ang COVID-19 pandemic.
"True enough, may pagsisisi. Sometimes, lalo na noong pandemic, noong nari-realize mo na totoo yata 'yung sinasabi nilang get a real job. Kasi hindi pang-frontliner yung trabaho ko. Hindi ako frontliner. Dapat yata nagtapos ako ng pag-aaral."
Pag-amin niya naghanap siya ng courses online, "Naghanap ako ng courses online. Ang dami, na-overwhelm ako."
Dahil sa pagka-overwhelm ng aktres, nauwi ito sa isang nakakatawang Google search.
"Sabi ko, Google na lang natin how to be beautiful because when you're pretty, the world is nicer to you," biro ng aktres.
Panoorin ang vlog ni Camille with Alessandra dito:
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA KAPATID NINA ASSUNTA AT ALESSANDRA DE ROSSI DITO: