Celebrity Life

Alden Richards, super close sa kanyang ama

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 17, 2020 9:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News



Super-bonded daw sina Alden Richards at ang kanyang ama simula nang pumanaw ang kanyang ina. At mula nang maging artista si Alden, mas naging responsable siyang anak.


Kamakailan lang nang mapanalunan ni Kapuso actor Alden Richards, kasama ang kaniyang amang si Richard Faulkerson, ang P500,000 na jackpot prize sa father-and-son edition ng Celebrity Bluff.

Ayon kay Alden, mapupunta raw ang perang napanalunan sa retired soldiers na may sakit at nagkaroon ng deficiency because of war.

After winning the jackpot prize, Alden and his father sat down with GMANetwork.com for an exclusive interview.

Sa mga hindi nakakaalam, ang tunay na pangalan ni Alden ay Richard Faulkerson, Jr. Pero nang pumasok siya sa showbiz, pinalitan ang pangalan niya dahil marami na raw ang may pangalang Richard sa industriya.

Kuwento ng tatay ni Alden na si Richard, mas naging close raw sila ng anak mula nang pumanaw ang kaniyang asawa noong 2009. Namatay ito dahil sa pneumonia.

Dagdag pa ni Richard, siya na rin daw ang nagsisilbing ina ng Kapuso actor kaya’t siya ang nag-aasikaso rito. “Lahat ng kailangan niya, ‘yong mga gamit niya or mga laundry sa
'kin siya nagpapadala,” aniya.

At dahil nga sobrang naging close na ang mag-ama, palagi na raw silang nagba-bonding. “Yung bonding namin ngayon is nothing like noong bata (pa) ako. Hindi ganoon ka-close, hindi ganoon ka-bonded, so mas okay ngayon. Every morning we run, we play ball, we do bowling. That's our bonding now,” saad ni Alden.

Nang tanungin namin ang ama niya kung sang-ayon ba siya na pumasok ang anak sa showbiz, sinabi nitong noong una ay hindi raw talaga dahil mas gusto niyang mag-aral nang mabuti ang anak. Pero nang unti-unti na raw pumasok si Alden sa showbiz, wala na raw itong nagawa dahil nakita niya naman na masaya ang anak niya.

“Siyempre as a parent natutuwa ako. Kung natutuwa siya, mas natutuwa ako. Kung masaya siya, mas masaya ako. So ang wish ko lang sana magtuloy-tuloy yung career niya,” pahayag ni Richard.

Mula raw nang maging artista ang anak, mas naging responsable raw ito sa kanilang pamilya. “Kasi ako nagwo-work din ako, ‘yong panganay ko may work din. Siya (Alden) may work, but siya hindi mo siya kailangang sabihan na oh, bili ka nito, alam niya na ‘yon. (For example) yung groceries kapag alam niyang wala, bibili na siya. Ganoon siya ka-generous.”

What’s next for Alden Richards? Stay tuned for his upcoming projects only here on GMA.

For the latest updates on Alden Richards and your favorite Kapuso stars and shows, keep visiting www.gmanetwork.com. - Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com