GMA Logo Ina Feleo and Ashley Ortega
Photo by: ina_feleo (IG)
Celebrity Life

Ina Feleo and Ashley Ortega flaunt their figure skating skills

By Aimee Anoc
Published September 23, 2022 3:53 PM PHT
Updated September 25, 2022 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Feleo and Ashley Ortega


"So nice to train with friends again!" - Ina Feleo

Muling ipinamalas nina Ina Feleo at Ashley Ortega ang galing sa figure skating.

Noong Huwebes, September 22, ipinakita ni Ina ang ginagawang pag-eensayo sa ice rink kasama si Ashley. Mapapanood dito ang sabay at swabeng pag-ikot at pag-glide ng dalawang aktres.

"Happy training earlier with [Ashley Ortega]," sulat ni Ina. "So nice to train with friends again! Side by side camel and ina bauer."

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo)


Ilan sa celebrities na napahanga sa husay nina Ina at Ashley sa figure skating ay sina Thia Thomalla, Dianne Medina, Arra San Agustin, Rhen Escano, Djanin Cruz, at Iza Calzado.

Kamakailan lamang nang bumalik si Ashley sa figure skating matapos na maging abala ng apat na taon sa showbiz. Isa na rin itong preparasyon para sa kanyang bagong proyekto na GMA.

Dati namang aspiring Olympic figure skating champion si Ina. Sa husay na ipinapakita ngayon sa figure skating hindi aakalaing sampung taon na nang huling nakatutong sa ice rink ang aktres.

TINGNAN ANG ICE-SKATING PHOTOS NI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: