GMA Logo Kyline Alcantara
Celebrity Life

Kyline Alcantara shares the importance of setting boundaries on social media

By Maine Aquino
Published September 27, 2022 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


Kyline Alcantara: "What you bring out to the public, they can destroy."

Ibinahagi ni Kyline Alcantara kung bakit mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng boundaries sa paggamit ng social media at ang aral na natutunan niya sa paggamit nito.

Si Kyline ay isa sa mga hinahangaan na Gen Z stars ng Kapuso Network at sa mundo ng social media. Ayon kay Kyline, bilang isang public figure, natutunan niya ang isang importanteng bagay sa social media.

Kuwento ni Kyline sa Sparkle GMA Artist Center YouTube channel, "Sa social media, sa sobrang opinionated ng mga tao, especially Gen Z, our generation, minsan may mga sinasabi sila na hindi naman talaga totoo pero dahil ang dami ng nagsasabi nun, feeling mo, 'yun na ikaw."

Kyline Alcantara

Paliwanag ni Kyline, isang na-realize niya ay ang pagkakaroon ng boundaries kahit isa siyang public figure.

"I realized, kailangan mo rin magkaroon ng boundaries when it comes to showing yourself. Showing your private self. Lagi ko itinatatak sa isip ko na what you show to the public, or what you bring out to the public, they can destroy even though it's a good thing, even though it's a genuine thing."

Ibinahagi rin ni Kyline na may mga posts siya dati at iba ang naging reaksyon ng mga publiko rito.

"I do a lot of charities before, dino-document ko siya kasi I just love the feeling of bonding with, halimbawa, home for the aged, or mga bata na may cancer. Pero may mga tao talaga sa social media na kahit sobrang genuine, kaya nilang sirain 'yun."

Bilang lagi siyang may posts online sa iba't ibang platforms, inaalala na lamang ni Kyline na kailangan niyang mag-set ng boundaries sa kanyang posts.

"Siguro 'yun 'yung natutunan ko ngayon na yes, ilabas mo but have some boundaries. Kasi important rin 'yung privacy mo."

Panoorin ang social media posting tips ni Kyline rito:


TINGNAN ANG SOPHISTICATED LOOKS NI KYLINE RITO: