Article Inside Page
Showbiz News
Ibang klaseng Marian Rivera at Alden Richards ang makikita sa kanilang kauna-unahang pagtatambal. Kapwa challenging ang mga karakter na kanilang gagampanan at siguradong isang pasabog ang Primetime series na pagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen at Kapuso Heartthrob sa 2014.

Ibang klaseng Marian Rivera at Alden Richards ang makikita sa kanilang kauna-unahang pagtatambal. Kapwa challenging ang mga karakter na kanilang gagampanan at siguradong isang pasabog ang Primetime series na pagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen at Kapuso Heartthrob sa 2014.
Gagampanan ni Marian ang papel ng isang napakagandang babae na kinahuhumalingan ng lahat ng lalaki sa isang bayan. Ngunit may madilim siyang nakaraan, at ang mismong kagandahan niya ang kanyang sumpa. Kamumuhian siya ng lahat ng mga babae sa bayan dahil dito.
Gagampanan naman ni Alden ang papel ng isang lalaking anak-mayaman, may pagka pilyo, ngunit iibig ng tunay sa karakter ni Marian. Iibig din kaya sa kanya ang karakter ni Marian? Malapit niyo nang malaman ang kasagutan.
Nakakuwentuhan ng GMANetwork.com sina Marian at Alden sa story conference ng kanilang upcoming teleserye na ginanap sa Bellissimo restaurant sa Quezon City noong November 19. Ano ang pakiramdam ng mga bida na magtatambal sila sa unang pagkakataon?
Anang Kapuso Primetime Queen, “Siyempre ako, excited ako dahil first time kong makakatrabaho si Alden at sobrang happy ako dahil ang ganda ng storyline namin. Excited na kaming mag taping.” Si Alden naman, aminadong kabado pero excited rin sa nalalapit nilang serye ni Marian.
Aniya, “Sobrang hindi ako makapaniwala pero kailangang ma-get used to na para masanay sa mga eksena and malaki ang pagpapasalamat ko kay Ms. Yan kasi pagkakaalam ko, hinand-pick niya lahat ng cast ng show na ito, so thank you Ms. Yan sa chance at pagagandahin talaga namin itong proyektong ito para sa ating mga manonood sa GMA. Isang pasabog na soap opera po ito para sa 2014.”
“Pinakamagandang babae sa ibabaw ng mundo” ang tagline ng upcoming GMA Telebabad series nina Marian at Alden. Hindi ba nakakapressure para kay Marian ang tagline na ito?
“Of course, kasi siyempre dapat sa tagline pa lang, i-career namin umpisa hanggang huli, at naniniwala ako sa buong team ng bago naming show. Excited ako. Ang importante diyan, ma-pressure man o hindi, excited kaming lahat ng cast sa soap,” sagot ng napakagandang mestiza actress.
Ang labis na kagandahan ng karakter ni Marian sa teleserye ang naging sanhi ng mga conflict sa buhay niya. Naranasan na rin ba ni Marian sa totoong buhay na magkaroon ng mga problema dahil sa kanyang kagandahan?
“Ang hirap naman yatang sagutin niyan. Siguro, sabihin nalang nating magpasalamat nalang ako sa lahat ng blessings na nangyayari sa buhay ko, higit lalo sa Mama at Papa ko dahil biniyayaan nila ako ng ganitong aura at masaya ako doon,” saad niya.
Kung si Alden naman ang tatanungin, sino ang pinakamagandang babae sa ibabaw ng mundo?
“No question, si Ms. Marian Rivera,” mabilis niyang sagot.
Mapapanood na sa 2014 ang GMA Telebabad series na pagbibidahan nina Marian Rivera at Alden Richards. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa
www.gmanetwork.com.
-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com