
Nagdiwang ng kanyang 18th birthday ang Sparkle artist na si Caitlyn Stave nitong Biyernes, September 30, kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Stunning si Caitlyn sa kanyang debut party suot ang royal blue ball gown na sumasalamin sa kanyang paboritong kulay at personalidad.
Kabilang sa mga dumalo sa kanyang intimate birthday celebration ay ang kanyang mga kapwa Sparkada members na sina Roxie Smith, Tanya Ramos, Vanessa Peña, Lauren King, Kirsten Gonzales, si This Generation's Pop Princess Zephanie, at Sparkada boys na sina Vince Maristela, Michael Sager, Sean Lucas, Larkin Castor, Kim Perez, Raheel Bhyria, at Jeff Moses.
Personal din na bumati sa debutant na si Caitlyn sina GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at ilang opisyal ng Sparkle na sina Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, AVP for Talent Management Group Joy Marcelo at Consulting Head for Talent Imaging and Marketing Lawrence Tan.
Isang espesyal na dance number ang inihandog ng Sparkada para kay Caitlyn, kung saan escort niya si Rafael Jaworski na anak nina Mikee Cojuangco at Robert Jaworski Jr.
Samantala, abangan naman si Caitlyn sa upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms kasama ang Team Jolly na sina Allen Ansay at Sofia Pablo.
KILALANIN NAMAN SI CAITLYN AT ANG BUONG SPARKADA SA GALLERY NA ITO: