
Travel goals ang mga kuha ng dating Survivor Philippines: Celebrity Showdown contestant na si Aubrey Miles sa City of Lights, pero sa likod ng Instagram-worthy photos niya ay may nakakalungkot na nangyari sa misis ni Troy Montero.
Sa Instagram post ni Aubrey nitong October 8 sa iconic Louvre Museum, ibinahagi nito na nanakawan siya habang nag-iikot sa Paris.
Aniya, “Now I know why you love Paris... Kahit nanakawan ka sa Paris ng pick pockets, tuloy ang larga. Sa movies kala ko astig kayo pero sa totoong buhay parusa kayo, mga BWISIT.”
Hindi rin maiwasan ni Aubrey na ma-trauma sa nangyari, pero pinipili nito na i-enjoy ang kaniyang bakasyon.
Hirit niya sa isa pang post, “This photoshoot is dedicated to all the pickpockets in Paris dahil nakaka-trauma kayo para sa mga baguhang tourista, you can't bring us down. Dahil diyan, nag pa photoshoot pa ako, langya kayo.”
Makikita naman na marami rin nag-share sa comment section ng mga post ni Aubrey ng sarili nilang experience na mabiktima ng mga kawatan sa Paris.
Ikinasal sina Troy at Aubrey nito lamang Hunyo sa isang civil wedding ceremony sa Mandaluyong CIty.
KUWENTO NG ILANG CELEBRITIES MATAPOS MANAKAWAN: