
Viral ngayon sa social media ang larawan ng Kapuso comedy genius na si Michael V. kasama ang kanyang asawa at mga anak.
Ang nasabing larawan ay kinunan pa noong Hunyo sa isang sinehan matapos nilang manood ng isang sikat na international film. Makalipas ang halos apat na buwan, bigla na lamang itong naging trending sa social media matapos itong i-repost ng isang netizen na si Perds Centino.
Ayon kay Perds, kapansin-pansin ang malaking pagkakahawig nina Michael V. o Bitoy sa kanyang mga anak na sina Brianna at Milo Bunagan.
"Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy," caption ni Perds sa kanyang Facebook post.
Mabilis na nag-viral ang nasabing post ni Perds at umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens.
Love this picture both of them carbon copy ni Bitoy," komento ng isang netizen.
"Lahat kamukha niya kapag nag-wig si Bitoy ng mahaba kamukha niya ang anak niyang babae, 'yung lalaki naman, sobrang kamukha niya noong payat pa siya at noong kabataan pa niya hahahaha," usisa naman ng isang netizen.
"Bruh they look great super fine faces sheesh," dagdag pa ng isang netizen.
Sa ngayon, mayroon nang halos 700k comments at 50k shares ang nasabing viral Facebook post.
Samantala, patuloy naman na mapapanood si Michael V. sa Kapuso comedy shows na Bubble Gang at Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento habang aabangan naman ang karakter ng kanyang anak na si Brianna sa GMA Primetime Series na Start-Up Ph.
ALAMIN NAMAN ANG ILANG FUN FACTS TUNGKOL KAY MICHAEL V. SA GALLERY NA ITO: