GMA Logo Althea Ablan
Source: althea_ablan30 (IG)
Celebrity Life

Althea Ablan, inamin ang kanyang birthday wish

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 18, 2022 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan


Ano kaya ang hiniling ni Althea sa kanyang debut? Alamin DITO.

Aminado ang aktres na si Althea Ablan na nahirapan siya sa pag-aayos ng kanyang debut na ginanap sa EDSA Shangri-La.

Ayon kay Althea, isang buwan niya lang inayos ang debut kaya naman taos-puso siyang nagpasalamat sa Sparkle GMA Artist Center sa pagtulong nito.

"One preparation lang talaga siya, and then nahihirapan ako kung paano siya sisimulan. Wala akong idea talaga," pag-amin ni Althea nang makausap ng GMANetwork.com.

"Nag-search ako sa Google, nagpa-help ako sa friends ko, and siyempre, with the help of Sparkle PR, naging successful naman 'yung debut ko.

"Once in a lifetime nga lang ito, and talagang ginawa ko siyang memorable [kasama] 'yung mga loved ones ko, mga importanteng tao sa akin, [at] 'yung mga boss ng GMA siyempre dahil kung wala sila, kung hindi nila ako inaalagaan, wala ako dito."

A post shared by ALTHEA (@althea_ablan30)


Ano naman kaya ang wish ni Althea sa kanyang kaarawan?

"Siyempre good health kasi nandito pa rin tayo sa pandemic, hindi pa rin nawawala. Sa sarili ko, more blessings, alam ko naman na nandyan lagi si God para magbuhos ng blessings sa akin," sagot ni Althea.

"And siyempre, magpakabait lang ako palagi, stay humble."

A post shared by ALTHEA (@althea_ablan30)

BALIKAN ANG ONCE-IN-A-LIFETIME NA DEBUT NI ALTHEA SA MGA LARAWANG ITO: