
Humahakot ng million views ngayon ang isa sa dance videos ni Ryzza Mae Dizon sa video-sharing app na TikTok.
Mapapanood sa video na ito ang entry ni Ryzza para sa isang famous dance challenge.
Suot ang black na crop top at shorts, kapansin-pansin ang kagandahan ng dating “Aling Maliit” habang siya ay sumasayaw sa harap ng camera.
Sa kasalukuyan, ang video ng young Eat Bulaga host ay mayroong 2.3 million views at 118,000 likes sa TikTok.
@ryzzamaedizon_ ♬ SPIN BACK X SCOOTIE WOP UNRELEASED - Scootie Wop
Ang fans ni Ryzza at ilang netizens, napa-comment sa video ni Ryzza nang mapansin din nilang glowing at dalaga na ang dating cute na cute na child star.
Ilang TikTok videos pa ng dating child star ang humahakot din ng million views.
Kabilang na rito ang video niya habang nagti-TikTok sa EB stage na mayroon nang 2.5 million views ngayon.
@ryzzamaedizon_ di na ko marunong mag tiktok hahaha
♬ sonido original - Duma
Bukod sa pagiging host at TikTok star, abala rin si Ryzza sa pagba-vlog.
Sa ngayon, mayroon nang 490,000 subscribers sa kaniyang YouTube channel.
Kamakailan lang, nag-upload siya ng vlog kung saan mapapanood ang masayang pagkikita ng mga “Batang Hamog” at Start-Up PH actress na si Bea Alonzo.
SAMANTALA, TINGNAN ANG CUTEST THROWBACK PHOTOS NI RYZZA MAE DIZON SA GALLERY SA IBABA: