
All is well sa pagitan ng magkakaibigang vloggers na sina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres, at Zeinab Harake, matapos mag-photoshoot nang magkakasama para sa kanilang Halloween costume play.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Donna ang kanilang mga larawan bilang The Powerpuff Girls: si Donnalyn bilang Bubbles; si Zeinab bilang Blossom; si Jelai bilang Buttercup.
Kasama rin nila sa photoshoot ang anak ni Zeinab na si Bia na nag-ala cute Mojo Jojo.
Nadamay sina Donna at Jelai sa word war ni Zeinab at ng talent manager na si Wilbert Tolentino.
Nauwi ito sa pag-expose ni Wilbert ng private messages nila ni Zeinab, kung saan makikita ang kontrobersyal na opinyon ng social media star sa ilang kapwa content creators at showbiz personalities.
ALAMIN KUNG SINO-SINO PA ANG NADAMAY SA ISSUE SA GALLERY NA ITO: