Marami ang kinikilig ngayon sa Instagram post ng Kapuso actress na si Cassy Legaspi kung saan proud niyang ibinahagi ang larawan ng taong dahilan daw ng kanyang mga ngiti.
Sa nasabing post, may dalawang picture na ibinahagi si Cassy. Una, ay ang kanyang larawan suot ang isang simple black dress mula sa isang photoshoot para sa kanyang brand endorsement.
"Swipe to see why I got a smile on my face," caption ng aktres sa kanyang post.
Sa kasunod na picture, dito na makikita ang larawan ni Cassy na all-smile kasama ang singer-actor na si Darren Espanto.
Sa comments section ng kanyang post, agad ding nagkomento si Darren ng dalawang heart emojis.
Hindi rin napigilan ng dating co-star ni Cassy sa First Lady na si Thia Thomalla na mag-komento sa kanyang "Instagram reveal."
"Abaaaaaa!!!! CASSANDRA UWI!!!!! UWI," ani Thia.
Matatandaan na kamakailan sa isang episode ng Sarap, 'Di Ba? ay ikinuwento din ng ina ni Cassy na si Carmina Villarroel na dumadalaw sa kanilang tahanan ang teen singer na si Darren.
"Pumupunta 'yan sa bahay, bumibisita 'yan sa bahay," ani Carmina.
Ayon pa sa celebrity mom, wala naman siyang tutol sa friendship ng anak at ni Darren, sa katunayan natutuwa nga raw siya sa huli dahil sa pagiging magalang nito.
"Ang una niyang ginagawa 'pag pumupunta 'yan sa bahay ay hinahanap kami ni Zoren para bumati. 'Yun ang pinaka-nagustuhan ko sa kaniya kasi nga makikita mo na mayroon siyang respeto," kuwento ni Carmina.
Buo naman ang tiwala ng aktres na hindi siya bibiguin ng anak na si Cassy tungkol sa pakikipagrelasyon.
"Ang sabi sa akin ni Cassy wala pa raw sa isip niya ang boyfriend boyfriend. Ang sinasabi niya gusto niya mag-concentrate dito sa trabaho niya, sa career niya. Plus, nag-school kasi,” pagbabahagi pa ni Carmina. "Gusto ko paniwalaan, at gusto kong panghawakan 'yung sinasabi niyang wala sa isip niya. Siyempre pabor sa akin 'yun,"

SAMANTALA, SILIPIN ANG PRETTIEST PHOTOS NI CASSY LEGASPI SA GALLERY NA ITO: