Celebrity Life

Glaiza De Castro on fitting her wedding gown: 'It's getting real'

By Aimee Anoc

Naghahanda na si Kapuso actress Glaiza De Castro para sa nalalapit na kasal nila ni David Rainey dito sa Pilipinas.

Una nang ikinasal sina Glaiza at David sa Northern Ireland noong October 2021. Pero ayon kay Glaiza, hindi pa nila nagagawang magpalitan ng singsing ni David dahil nais nilang gawin ang tradisyon na ito sa kanilang church wedding sa Pilipinas.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang excitement sa nalalapit na kasal nang magsukat siya ng kanyang wedding gown.

"It's getting real," sulat ni Glaiza. "Initial fitting on my wedding gown with none other than nanay (na ngayon pa lang emotional na).

"Ang saya lang makipagbatuhan ng ideas at chikahan with [Jo Rubio] and I think he's the perfect designer kasi gets niya agad vision ko at pareho kami ng outlook sa buhay. Sobrang nakaka-excite lahat."

Sa ngayon, wala pang ibang detalye tungkol sa lugar at araw ng kasal nina Glaiza at David.

BALIKAN ANG NAGING KASAL NINA GLAIZA DE CASTRO AT DAVID RAINEY SA NORTHERN IRELAND SA GALLERY NA ITO: