
Medyo nagulat ang ilang netizens nang makita nila ang post ng actor-turned-politician na si Jomari Yllana ngayong araw (Dec. 18). Nag-post kasi ni Jomari ng larawan nila ni Abby at may kalakip na caption na "With my gorgeous wife."
Tanong tuloy ng marami ay kung ikinasal na ba ang dalawa.
Nauna nang naibalita sa mga entertainment sites na balak ni Jomari na pakasalan ang teenage sweetheart na si Abby bago matapos ang kanyang termino bilang councilor.
Matatandaan na muling nagkaroon ng koneksyon ang dalawa sa pamamagitan ng social media noong 2016. Bumalik si Abby sa Pilipinas mula Canada kung saan namalagi ito ng higit dalawang dekada.
Nagsimula namang lumabas sa social media account ni Jomari si Abby noong December 14, 2019. Simula noon ay madalas nang nakikita ang larawan ng dalawa na magkasama sa social media.
Samantala, wala pang paglilinaw mula kina Jomari at Abby kung naikasal na nga ang dalawa ngunit naging matamis ang tugod ng huli sa post ng una. Sagot nito: "Love you, my gorgeous husband."
Please embed abby_viduya IG
SAMANTALA, SILIPIN SA GALLERY NA ITO ANG BUHAY NGAYON NG MGA SEXY STARS NOONG DEKADA 90: