GMA Logo Alden Richards
Celebrity Life

Alden Richards invites gamers to join his esports team's first-ever tournament

By EJ Chua
Published December 31, 2022 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Esports team ng actor-streamer na si Alden Richards, ready na para sa kanilang kauna-unahang tournament!

Nito lamang December 27, opisyal na ipinakilala ni Alden Richards ang kaniyang binuong esports team na Myriad Esports nang dumalo siya sa isang tournament.

Kasabay nito ay ang pag-anunsyo niya ng kauna-unahang tournament na pangungunhan ng kaniyang grupo.

Sa kaniyang latest post sa Instagram, ibinahagi ni Alden ang isang video kung saan mapapanood ang ilang detalye tungkol sa tournament kabilang na ang premyong matatanggap ng tatanghaling winners.

Nakatakdang ganapin ang naturang tournament sa 2023.

Ayon sa caption ni Alden, “Samahan niyo kami sa aming pinaka-unang tournament! Myriad Esports Cup registration is open until JANUARY 2, 2023. Open for all amateur gamers. Don't miss this out!”

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Samantala, sa isang interview, ibinahagi ni Alden na remarkable ang taong 2022 para sa kaniyang career at negosyo.

Para sa tinaguriang Asia's Multimedia Star kabilang sa naging highlights ng taon na ito ay ang pagkakabilang niya sa katatapos lang na GMA drama series na Start-Up PH at ang pagtatayo niya ng isang kompanya, ang Myriad Corporation.

Patapos pa lang ang 2022 ngunit tila nakapila na ang susunod na proyekto at mga plano ni Alden para sa taong 2023.

SILIPIN ANG HANDSOME CEO LOOKS NI ALDEN RICHARDS SA GALLERY SA IBABA: