Celebrity Life

Angel Satsumi, pangarap maging piloto

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong natupad na ni Angel Satsumi ang pangarap niyang maging artista, may gusto pa ba siyang gawin paglaki niya?

Unang nakitaan ng galing sa pag-arte ang child actress na si Angel Satsumi ng sumali ito sa artista search program na I-shine Talent Camp TV. Pagkatapos nito ay tuloy-tuloy na ang paglabas niya sa iba't ibang Kapuso shows, kabilang na ang hit comedy show na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento. Angel plays the role of Clarissa, ang bunsong anak nina Pepito at Elsa, played by Michael V. and Manilyn Reynes, respectively.

Ngayong natupad na ni Angel ang pangarap niyang maging artista, may gusto pa ba siyang gawin paglaki niya?

"Paglaki ko po, pangarap ko maging pilot! Gusto ko po makapunta sa ibang bansa tapos sasama ko po ang mama ko," masaya niyang sagot.

Mahilig mag-travel ang family ni Angel. Ilan sa mga bansang napuntahan na nila ay ang Japan, kung saan currently based ang kanyang Japanese father, Singapore, at United States.

Huling nakasama ni Angel ang kanyang ama noong 2011, nang binisita nila ito ng kanyang ina sa Japan. Sa ngayon ay sila lang ng kanyang mama ang magkasama dito sa Pilipinas.

Nang aming tanungin kung saan niya dadalhin ang kanyang mga magulang kapag naging piloto na siya, ito ang naging sagot ng very cute na bagets. "London po, at saka Jerusalem. Gusto ko pong mamasyal doon kasama ang mama at papa ko."

Abangan si Angel Satsumi bilang Clarissa sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights pagkatapos ng Kap's Amazing Stories. For updates on Angel and other Kapuso stars, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com