
Punong-puno ng good vibes ang TikTok video ng former Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento star na si Gladys Reyes na hinamon ang matalik niyang kaibigan na si Judy Ann Santos sa isang hulahoop challenge.
Isa ang versatile actress sa celebrity guest nina Juday at Ryan Agoncillo sa 7th birthday party ng kanilang anak na si Luna.
Nakita ng fans ng dalawa ang angking kakulitan nila kung saan 'tila nagtago pa si Juday sa kaibigan.
Sabi ni Gladys sa umpisa ng video, “Hina-hunting ko si Juday. Mukhang pinagtataguan ako. Teka!”
Nang mahuli na niya si Judy Ann humirit ito at sinabing, “Alam mo, due to insistent public demand. Dalawa lang hinihiling nila,e.”
Sabat naman ng soap opera actress, “Puwede bang sampalin mo na lang ako?”
Natatawang sagot ni Gladys Reyes, “Sawa na sila doon! Alam na nilang kayang-kaya mo 'yun.”
Pinaunlakan naman ni Juday ang request ng kaibigan na sumabak sa hulahoop challenge na may mahigit 488,000 videos na sa TikTok.
@realgladysreyes Hulahoop challenge for Juday! Mapahulahoop ko kaya sya o magsasampalan at magsasabunutan na lang kami?😁 watch the full video to find out! #GladysReyesHulahoopChallenge #GladysReyes #JudyAnnSantos #challengeaccepted #tingtingchallenge #foryoupage #foryou #foryoupage #MaraClara ♬ See Tình (Remix) - Giây Phút Em Gặp Anh - Cukak & Hoàng Thuỳ Linh
Napa-react naman ang maraming celebrities sa kulit video ng dalawa tulad nina Candy Pangilinan, Antonio Aquitania, at kahit mismo si Daddy Ryan.
Dating nagkasama sina Judy Ann at Gladys sa soap opera na Mara Clara noong '90s.
TINGNAN ANG HIGHLIGHTS NG BIRTHDAY NI LUNA AGONCILLO SA GALLERY BELOW: