
Naka-bonding ng pamilya ni Bea Alonzo ang mga katutubong Aeta sa kanilang farm.
Kuwento ni Bea, "Nag-invite kami ng aming kapitbahay na aetas at nagpi-prepare kami ng meal para sa kanila.”
Ipinakita ito ni Bea sa kanyang latest vlog kung saan nagluto sila ng Chicken Hamonado at Arroz Valenciana. Kasama ni Bea sa video ang kapatid niyang si James at ang asawa nitong si Thalia.
PHOTO SOURCE: YouTube: Bea Alonzo
Ayon pa sa kapatid ni Bea, ang recipe na ito ay ginawa niya bago siya nakapagtapos sa culinary school.
Saad naman ni Bea, isa ang dish na ito sa mga ihahanda nila sa mga bisita sa kanilang farm.
Bago pa nila sorpresahin ang mga bisita, inilahad ni Bea na may plano ang kanyang ina na tulungan ang mga aeta. Saad ng aktres, "Kanina pa nila chinichika si mama doon. Nagplano na si mama ng medical mission."
Panoorin ang bonding nina Bea at kanilang pamilya kasama ang mga katutubong aeta:
SAMANTALA, TINGNAN ANG PHOTOS SA FARM NI BEA: