
Masayang sinalubong ng Kapuso actor na si Rodjun Cruz ang Chinese New Year kasama ang kanyang pamilya ngayong January 22, 2023.
Sa Instagram, ibinahagi Rodjun ang ilan sa mga larawan at video ng kanilang simple celebration sa kanilang tahanan sa Quezon City.
Makikita sa kanyang post na tuwang-tuwa si Rodjun sa kanilang sinindihang maliliit na fireworks at nakikitalon pa habang nagsisimula ang maraming putukan.
Sa iba pang video, makikita namang naki-toast pa ng wine ang aktor sa kanyang pamilya at mga kasama sa bahay.
“Happy Chinese New year!,” simpleng caption ni Rodjun sa kanyang post.
Sa naturang post, maraming netizens ang natuwa sa simple pero masayang paraan ng selebrasyon ni Rodjun.
“Nakakatuwa ka naman kuya sobrang ine-enjoy mo every moment. Nice nice! Plus pa yung ka pogian,” komento ng isang fan.
“Kung Hei Fat Choi, Ilustre Family!,” dagdag pa ng isang netizen.
SAMANTALA, KILALANIN NAMAN ANG CELEBRITIES NA MAY LAHING CHINESE SA GALLERY NA ITO: