
Kamakailan lang, pumalo na sa two million subscribers ang YouTube channel ni Buboy Villar.
Bukod sa pagiging aktor at komedyante, kinakarir din ngayon ni Buboy ang pagba-vlog.
Ilan sa mga mapapanood sa kaniyang YouTube channel ay ang pa-challenge at mga palaro kasama ang kaniyang co-stars sa Running Man Philippines.
Ilang araw lang ang nakalipas, in-upload ni Buboy ang isang vlog kung saan mapapanood na kasama niya ang runners sa beach wedding ng kapwa nila runner na si Glaiza De Castro.
Mapapanood din sa channel ni Buboy ang kaniyang travel vlogs, at mga videos habang kasama niya ang kaniyang mga anak na sina Vlanz at George.
Sa ilang vlogs niya ay mapapanood ang kakaibang bondings ng mag-aama, gaya na lamang ng paglalaro at may pa- makeup tutorial din mula sa kaniyang anak na babae.
Kinagigiliwan din ng kaniyang subscribers at viewers ang vlogs niya kung saan mapapanood na ilang beses na niyang na-prank ang kaniyang BFF na si Jelai Andres na isa ring vlogger.
Isa na rito ang matagumpay na “Taong grasa” prank, na muntik nang makapagpaiyak kay Jelai.
Ang naturang prank video ay mayroon na ngayong 6.3 million views sa YouTube.
Matatandaang nagsimulang maging close sina Buboy at Jelai matapos silang maging magkatrabaho sa drama romantic comedy series na Owe My Love, na ipinalabas sa GMA noong 2021.
Congratulations sa iyong social media milestone, Buboy Villar!
SAMANTALA, SILIPIN ANG DADDY MOMENTS NI BUBOY VILLAR KASAMA ANG KANIYANG DALAWANG ANAK SA KANIYANG EX-PARTNER NA SI ANGILLYN GORENS SA GALLERY SA IBABA: