GMA Logo Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
Source: Jennylyn Mercado/ YT
Celebrity Life

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, ipinasilip ang kanilang mountain hideaway house

By Kristian Eric Javier
Published February 28, 2023 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado


Tingnan ang scenic at peaceful mountain hideaway house nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Matapos ang halos isang taon ay muli nang nag-upload ng bagong vlog ang Kapuso actors na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang YouTube channel.

Sa unang video na ginawa nila ngayong taon, ipinasilip nila ang kanilang Mountain Hideaway House sa Tanay, Rizal.

Binubuo ang bahay nila ng main house, isang guest house, at isang staff house na lahat ay gawa sa 40ft na taas na container vans na ayon kay Jennylyn, napili nilang gamitin para itayo ang bahay nila dahil akala nila ay madali lang ito gawin.

Dagdag pa ni Dennis, “Tsaka nahilig kasi kami noon... manood ng mga Tiny House [programs online]. Naisip namin kasi kala namin mas madali [gawin ang container vans]. Mahirap pala kasi kailangan siya i-transport galing sa malayong lugar, dito sa Rizal Area.”

“Hindi na namin pinagsama-sama bilang hiwa-hiwalay rin naman yung mga containers. Mas maganda tingnan na ikalat namin siya dito sa area,” sabi ni Jennylyn.


Bukod sa tatlong bahay sa property, mayroon din silang green house na ayon kay Dennis ay daddy niya ang gumawa na siya ring nagtanim ng iba't ibang klaseng lettuce, arugula at kale.

Ang guest house nila ay binubuo ng isang container van na may deck sa taas para raw ma-enjoy din ng mga guest nila ang view.

Samantala, ang main house naman ay may dalawang palapag na binubuo ng tatlong container vans sa baba, at dalawa naman sa taas.

Bukod pa sa guest house ay mayroon ding guest room sa baba ng main house samantalang sa second floor naman ang master's bedroom at ang kwarto ng mga anak nilang sina Jazz, Calix at Dylan.

Sinabi rin ng dalawa na insulated ang kanilang mga bahay na kahit gawa sa bakal ang mga container vans ay komportable pa rin, mainit man o malamig ang klima.

“Depende yun sa pagkakagawa. Siyempre dito, siniguro namin na maganda yung insulation, malamig man o mainit, kumportable,” dagdag ni Dennis.

Ayon din sa aktor ay wala pang permanenteng supply ng kuryente sa kanila kaya't generator lang muna ang nagpapaandar ng kuryente nila sa ngayon.

Nang matapos ang tour nila, nangako ang dalawa na “ita-try namin na gumawa pa ng maraming content” para sa mga viewers ng channel nila.

Kamakailan lang ay ipinakita rin nila ang bahay na nabili nila sa Las Vegas na nabili nila two years ago.

TINGNAN ANG IBA'T IBANG DREAM HOUSES NG CELEBRITIES DITO: