GMA Logo Rabiya Mateo
Celebrity Life

Rabiya Mateo, takot nang bumalik sa dating estado ng buhay

By Nherz Almo
Published March 7, 2023 12:19 PM PHT
Updated March 7, 2023 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


Rabiya Mateo: “Dati kasi iniisip ko talaga na I need to go out abroad, I need to do this, I need to do that…”

Mahigit isang taon pa lang simula nang opisyal na pumasok sa showbiz ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.

Sa maiksing panahong ito, alam na ni Rabiya na hindi magiging permanente ang pagiging buhay-artista niya. Kaya naman ngayon pa lang ay nagsisimula na siya ng iba pang mga paraan para kumita.

“I'm looking for investments na,” sabi ng Tiktoclock host sa renewal ng kanyang endorsement deal sa LVNA jewelry kamakailan.

Patuloy na paliwanag ni Rabiya, “Kasi, nakikita ko rin na sa showbiz, today gusto ka pero tomorrow hindi. Pero it doesn't mean din naman na wala kang chance to thrive.

“Pero ako po kasi, I'm very sigurista. Siguro dahil panganay ako at nanggaling ako sa walang-wala. So, sa lahat ng bagay at trabaho na ginagawa ko, I make sure na secured yung future ko at ng pamilya ko.

“So now, habang blessed pa talaga ako with my work sa hosting and, hopefully, may matutuloy na teleserye; I just want to save as much as I can.

“Kahit po na ganito ako, I still rent like a small condo. Yung lifestyle ko, naggo-grocery pa rin para makatipid. Kahit artista na po ako, I make sure na everything is budgeted.”

Isa raw sa mga kinatatakutan ngayon ni Rabiya ay ang magbalik sa dating estado nila sa buhay, na dahilan din kung bakit todo kayod siya ngayon sa pagtatrabaho.

Pahayag niya, “Siguro po mas natatakot ako noon. Dati kasi iniisip ko talaga na I need to go out abroad, I need to do this, I need to do that, I need to sacrifice a lot of things para ma-secure ko yung single mom ko kasi wala rin po siyang work. Yung kapatid ko, konti lang din ang kinikita niya bilang [physical therapist] sa bansang 'to.

“During that time, yung takot ko is that baka bumalik kami sa time na nangungutang, walang makain, napuputulan ng kuryente. Yun talaga ang promise ko kay mama, na after ko ng college, I won't let it happen again.”

Noong nakaraang January, masayang ipinakita ni Rabiya ang isa sa mga investment niya para sa kanyang pamilya, isang bahay at lupa sa kanyang hometown sa Iloilo.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Isa raw ito sa mga hiling ng kanyang ina. Ani Rabiya, "Yung mama ko po kasi, 'Anak, sana magkabahay tayo.' Gumaganon siya palagi, so nung binigay ko na sa kanya medyo naging emotional na ako. Kahit noong pinapakita ko na, 'Shucks, ito na talaga.' Wala nang kukuha nito sa amin, e. So, noong nakuha na namin, nag-ikot kami ni Jeric sa subdivision, sabi ko, 'Picture-an mo 'yan, gagayahin natin 'yan.' Ang sarap mangarap.

“Kasi kailangan na rin ng mama ko na makalipat. Dati, yung nirerentahan pa naming place sa labas naglalaba, naghuhugas ng pinggan, so nakikita ng mga kapitbahay. Naaawa rin ako kay mama kasi nag-iigib din siya ng tubig sa poso.”

Ngayon, masaya si Rabiya na nabibigay na niya ang mga gusto ng kanyang nanay at kapatid.

Sabi niya, “Alam mo, yun talaga ang definition ko of success. I don't want to be emotional about it kasi it's a happy thing talaga. Pero looking back, dati, iniisip ko kung paano na kami ng mama ko, tumatanda na rin siya. 'Tapos, yung kapatid ko nag-aaral pa noong nag-strike yung pandemic. Noong sumali ako sa pageant, walang pumapasok, nababawasan pa yung savings ko, pero I fought for that dream, kahit almost mag-quit na rin ako dahil sa funds.

“Now, iniisip ko na grabe yung blessings ni Lord kasi three years after the pandemic, parang binigyan pa rin niya ako ng source of income in different aspect. Now, I am an investor to three companies. Now, I just need to be humble and be grateful talaga kasi hindi lahat ng beauty queens nabibigyan ng ganitong oportunidad.”

Dahil sa sunud-sunod na blessings sa buhay niya, lubos ang tuwa at pasasalamat ng Pinay beauty queen.

“Sobrang saya talaga. Minsan naiisip ko, ano ba ang ginawa ko para i-bless ako ni God ng ganito. Totoo naman pong ang dami kong bashers, ang dami kong issues. Pero after that, God would send an angel from time to time to help me with my life. Kahit ano pang sabihin ng tao, at the end of the day, alam ko na mahal ako ng Diyos kasi bine-bless niya ako," pagtatapos ni Rabiya.

SAMANTALA, KILALANIN PA SI RABIYA SA GALLERY NA ITO: