Article Inside Page
Showbiz News
Last February 19, 2014, nakapanayam ng GMANetwork.com ang actress/host at ikinuwento niya ang kasalukuyang lagay ng kanyang ipinatayong school sa Cainta, Rizal.

Napapanood natin bilang Sophia ang Kapuso actress na si Camille Prats sa
The Borrowed Wife. Sa kuwento, madaling nakapalagayan ng loob ni Joana, ang anak ni Rico, si Sophia (Camille). Hindi lang on-screen ang pagiging malapit ni Camille sa mga bata, maging sa totoong buhay, magiliw si Camille sa mga bata. Sa katunayan, nagpatayo siya ng sarili niyang pre-school noong 2008.
Last February 19, 2014, nakapanayam ng GMANetwork.com ang aktres at ikinuwento niya ang kasalukuyang lagay ng kanyang ipinatayong school for the kids.
“Aside from the fact that it’s so fulfilling to see a lot of kids, makikita mo rin ang growth nila. Dati nagsimula sila sa iyo na iyakin. Ngayon ang gagagaling nang magbasa, ang sarap sa pakiramdam,” ang masaya niyang kuwento.
Mahalaga raw na habang bata pa lang ay maturuan na sila ng magagandang asal para madala nila ito sa kanilang paglaki at para sila ay maging mabubuting mamamayan.
“Pinaka-important naman doon is you give them core values, ‘yung tamang respeto, tamang paggalang, paggalang sa ibang tao. Tayo namang mga Pilipino na sa culture na natin ‘yung maging magalang. Sinisigurado namin na ganoon ‘yung kalakaran namin sa eskwelahan,” sabi niya.
Hindi lang sa ibang bata niya nais maibahagi ang ganitong kagandahang asal, pati na rin sa taong nagpapasaya sa kanyang buhay ngayon -- ang kanyang anak na si Nathaniel, na priority niya sa lahat ng bagay.
Kung meron man siyang nais na isapuso ni Nathaniel, ito ay ang pagiging humble. “I always tell him to be humble. If people praise him or tell him ‘Nathan, you did great!’. Just say ‘Thank you’ but don’t brag about it. I think you always have to constantly remind them of humility.”
Dagdag niya, “Pangalawa, gusto ko siya maging sobrang respectful, not only to older people but also to all women, ‘yung kapwa niya. Gusto kong lumaki siya na may respeto at saka God-fearing. Kasi pag may takot ka sa Diyos, it all follows.”
Sa dami ng kanyang ginagawa, bukod sa pagiging mabuting mommy kay Nathaniel ay mina-manage niya rin ang kanyang sariling school. Kaliwa’t kanan din ang schedules niya for tapings sa
The Borrowed Wife. Meron pa siyang
Mars na mapapanood naman sa GMA News TV, paano niya nagagawang pagkasyahin ang kanyang oras sa mga ito?
“Time management. Pag nagte-taping dito, I have to set a time frame. Pag weekends as much as possible hindi ako tumatanggap ng trabaho, kasi para na iyan sa family at sa anak ko,” aniya.
Patuloy na subaybayan si Camille Prats bilang Sophia sa
The Borrowed Wife pagkatapos ng
Innamorata only on GMA Afternoon Prime. Mapapanood din siya sa
Mars sa GMA News TV. Para sa updates, bumisita lagi sa
www.gmanetwork.com.
-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com.