
Bago pa man ganapin ang kaniyang 17th birthday ngayong April 10, nagbigay na ng kaniya-kaniyang sweet birthday messages para kay Sofia Pablo ang kaniyang dating co-stars sa Luv Is: Caught in His Arms na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at kaniyang on screen partner na si Allen Ansay.
Sa birthday prod ni Sofia sa variety show na All-Out Sundays nitong Linggo, April 2, nasorpresa ang aktres sa video messages ng kaniyang mga kaibigan kabilang na ang limang Sparkle actors.
Ayon kay Vince, “Sofia is very caring and super humble siya na tao and alam kong palagi siyang nandiyan para sa amin. Happy birthday, Sofia!”
Mensahe naman ni Raheel, “Sofia is sweet girl. Hindi lang siya sweet sa aming mga kaibigan niya kung 'di pati na rin sa mga taong nasa paligid niya. Happy birthday, Sof!”
Simple and sweet naman ang birthday message nina Michael at Sean.
“Sofia Pablo is super jolly,” ani Michael.
“Sofia Pablo is our evil sister kasi we love her so much pero minsan masungit,” sabi naman ni Sean.
Sa huling bahagi ng video, ay ang mensahe naman ni Allen. Aniya, “Sofia is beautiful, thoughtful, mapagmahal kay mommy and napaka-simple. In short, Sofia is, love. Happy birthday, Sofia. Tandaan mo na lagi lang ako nandito para sa'yo.”
Idinaan naman ni Sofia sa isang Instagram story ang pasasalamat niya sa natanggap na birthday greetings mula kina Michael, Vince, Raheel, Sean, at Allen.
“Thank you, Ferell brothers!” saad ni Sofia.
Samantala, kamakailan ay itinampok din si Sofia bilang “Next Big Thing” ng Candy Magazine sa kanilang March 2023 issue.
Sa ngayon, naghahanda na rin sina Sofia at Allen sa kanilang first digital series sa GMA Public Affairs na pinamagatang In My Dreams.
SILIPIN ANG BEAUTIFUL TRANSFORMATION NI SOFIA PABLO MULA SA PAGIGING CHILD STAR HANGGANG SA PAGIGING NEXT GENERATION LEADING LADY: