GMA Logo Carmina Villarroel and Zoren Legaspi
PHOTO SOURCE: @mina_villarroel
Celebrity Life

Carmina Villarroel inilahad ang sikreto sa matagal na pagsasama nila ni Zoren Legaspi

By Maine Aquino
Published May 4, 2023 2:13 PM PHT
Updated May 4, 2023 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin maintained low inflation, strong economy in 2025 – Recto
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi


Kuwento ni Carmina Villarroel: "Kung hindi ko ma-accept 'yun, hindi siguro kami magtatagal."

Inamin ni Carmina Villarroel ang sikreto sa kanilang magandang pagsasama ng asawang si Zoren Legaspi at ibinahagi niya na rin ibang tips para mag-work ang isang relasyon.

Inilahad ito ni Carmina sa podcast nila nina Candy Pangilinan, Gelli at Janice De Belen na Wala Pa Kaming Title.

Ayon sa Sarap, 'Di Ba? at Abot Kamay na Pangarap star, maganda ang kanilang pagsasama ni Zoren dahil naiintindihan nila ang isa't-isa.

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi

PHOTO SOURCE: @mina_villarroel

Ani Carmina, "Naalala ko sinabi mo (Gelli) sa akin na mabuti na lang si Zoren ang nakatuluyan mo kasi si Zoren deadma sa kaartehan mo. Hindi niya pinapatulan 'yung kaartehan mo."

Natatawang kuwento pa ni Carmina, "Umaarte arte ako, itong si Zoren dinedeadma deadma ako. Nari-reality check ako na umayos ka kasi wala namang pupuntahan 'to. Parang napagod na rin ako. Mabuti na lang medyo deadma 'tong si Zoren kung hindi araw-araw kaming magkaaway."

Para kay Carmina importante na malalim na ang pagkakakilalan ng isang couple at tanggap ang personality ng isa't isa para magtagal sa isang relasyon.

"Importante talaga na kilalanin ang isa't isa. Kung hindi ko ma-accept 'yun, hindi siguro kami magtatagal."

Isa pa sa ibinahagi ni Carmina na masuwerte ang couples na nakakahanap ng perfect partner.

"Ang suwerte mo kapag nahanap mo 'yung partner para sa'yo. Kasi magka-swak kayo."

Nilinaw naman ng Kapuso star na iba-iba pa rin ang sitwasyon sa bawat couples. Kung ano man ang nagwo-work sa isa ay maaaring hindi mag-work sa iba.

"Magkakaiba ang mga mag-aasawa, may mga mag-asawa na joint account, may mag-asawa na magkaiba, mayroong mag-asawa na mayroong magkasama at magkahiwalay. Walang tama at mali, depende po sa pag-uusap ninyong dalawa."

Dugtong pa ni Carmina ang importante sa lahat ay pagkakaroon ng respeto, pagmamahal at komunikasyon.

"Respeto. As long as nagkakaintindihan kayo, that's important. Kasi kayong dalawa lang naman 'yan e...Sa kahit anong relationship ha. Love, respect and communication in any relationship kahit magkakaibigan."

Panoorin ang kaniyang kuwento at iba pang mga kuwento nina Candy, Gelli, at Janice dito:

SAMANTALA, NARITO ANG SWEETEST MOMENTS NINA CARMINA AT ZOREN: