
Binalikan ng aktor na si Dominic Roque ang isa sa memorable trip niya kasama ang kasintahan na si Bea Alonzo.
Sa Instagram post ni Dom kahapon, May 19, ipinost niya ang ilang highlights ng bakasyon nila ng multi-awarded Kapuso actress sa Napa, California noong kasagsagan ng pandemic ng 2021.
Sabi nito na sa caption, “Missing NAPA and this crew… Happy Weekend everyone… #tb #2021.”
Agad naman nag-comment sa Instagram post na ito si Bea at sabi na gusto niya uling bumalik dito.
Source: dominicroque (IG)
Kasalukuyang busy si Bea Alonzo sa taping ng romance drama series na Love Before Sunrise kung saan makakasama niya ang Voltes V: Legacy actor na si Dennis Trillo.
Ang Love Before Sunrise ay isang historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.
BALIKAN ANG BAKASYON NINA BEA AT DOMINIC SA CALIFORNIA NOONG 2021 DITO: