GMA Logo richard gomez and lucy torres
Courtesy: Bea Alonzo (YouTube)
Celebrity Life

Richard Gomez, inalala kung paano niya nasigurong si Lucy Torres na ang gusto niyang pakasalan

By EJ Chua
Published June 5, 2023 11:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

richard gomez and lucy torres


Richard Gomez, sa relasyon nila ni Lucy Torres-Gomez: “Very open 'yung line of communication namin…

Ang veteran actor na si Richard Gomez ang pinakabagong celebrity guest ni Bea Alonzo sa kanyang latest vlog na mapapanood sa YouTube.

Hindi nakaligtas si Richard sa pa-Lie Detector Test ni Bea, kung saan game na game na sinagot ng una ang bawat katanungan ng huli.

Kabilang sa kanilang pinag-usapan ay kung paano napapanatili ng aktor ang kanyang strong marriage kay Lucy Torres.

Pagbabahagi ni Richard, “Very open 'yung line of communication namin. Communication is very, very important.”

Bukod pa rito, binanggit din ng aktor ang ilang love advice na lagi niyang ibinabahagi sa mga nagtatanong sa kanya tungkol sa kasal.

Ayon sa kanya, “May mga friends akong nagtanong na paano malalaman if totoo or seryoso na ba talaga or kailan magpapakasal. I always say na you have to be committed and you really have to be very sure na ito 'yung pakakasalan mo.”

Samantala, sila Richard at Bea ay naging magkatambal noon sa pelikulang The Love Affair, kung saan napanood sila bilang sina Vince at Adie.

Matatandaang nito lamang April 28, ipinagdiwang nina Richard at Lucy ang kanilang 25th anniversary.

Nagkakilala ang dalawa nang maging magkatrabaho sila para sa isang shampoo commercial.

SILIPIN ANG SWEET PHOTOS NINA RICHARD GOMEZ AT LUCY TORRES NANG IPAGDIWANG NILA ANG KANILANG 23RD ANNIVERSARY SA GALLERY SA IBABA: