GMA Logo Oyo Sotto, wife
Source: osotto (IG)
Celebrity Life

Oyo Sotto, may hirit kay Kristine Hermosa: 'Pakasalan kita dyan eh'

By Aedrianne Acar
Published June 9, 2023 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Oyo Sotto, wife


Maid of honor ni Kathleen Hermosa ang kapatid na si Kristine nang ikasal sa kaniyang mister na si Miko Santos kahapon, June 8.

Maraming natuwa at kinilig sa Instagram post ng Daddy's Gurl star na si Oyo Sotto tungkol sa kaniyang misis na si Kristine Hermosa.

Kristine Hermosa

Source: osotto (IG)

Kahapon, June 8, dumalo ang mag-asawa sa garden wedding ng kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa sa Cebu.

Sa post ni Oyo, ipinakita niya ang isang larawan ng kaniyang misis habang naka-upo at hirit niya sa captions, “Grabe naman… Pakasalan kita dyan eh.”

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)

Matatandaan na ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 12th wedding anniversary noong Enero. Ikinasal sila noon sa Talisay, Batangas.

Ilang celebrities naman ang napa-react sa kilig message ni Oyo para kay Kristine tulad nina Pauleen Luna, Kim Atienza, at Ara Mina.

Celebs reaction to Oyo Sotto s IG post

Source: osotto (IG)

May lima na silang anak na sina Kiel, Ondrea, Vin, Kaleb, at Vittorio Isaac.

Huling nagkatrabaho sila Kristine at Oyo noon sa Kapuso sitcom na Hay, Bahay! kung saan nakasama rin nila ang kanilang ama na si Bossing Vic Sotto at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas.

SILIPIN ANG AGELESS PHOTOS NG SOAP OPERA STAR KRISTINE HERMOSA RITO: