
Inamin ng aktres na si Barbie Forteza na nagtampo siya sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto dahil hindi na umano siya nito niyayayang mag-date.
Kaya naman upang mapawi ang tampo ng girlfriend, idinaan ni Jak sa isang dinner date ang pagbawi kay Barbie.
Sa isang Instagram post nitong Martes, December 12, ibinahagi ni Barbie ang bagong sweet photo nila ni Jak na nagde-date sa isang restaurant.
Kuwento ni Barbie, “Nagtampo kasi ako kase di na niya ko niyayaya mag-date. Wala akong emoji pag nagre-reply.”
Dagdag pa ng aktres, “Congrats sa successful 12.12 Sale! Thank you sa dinner! I love you, Boss @jakroberto.”
Sa nasabing post, agad naman na nagkomento si Jak. Aniya, “Thank you Madam! Simula ngayon alam ko na gagawin. I love you so much.”
RELATED GALLERY: #JakBie: Barbie Forteza and Jak Roberto's kilig photos
Samantala, naghahanda na rin ngayon si Barbie para sa kanyang karakter na Bodabil star sa upcoming historical drama ng GMA na Pulang Araw na mapapanood sa 2024.
Makakasama ni Barbie sa nasabing serye sina Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.