GMA Logo Cherry Pie Picache and Edu Manzano breakup
Source: yescppicache (IG)
Celebrity Life

Cherry Pie Picache, Edu Manzano nananatiling 'good friends' kahit hiwalay na

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 22, 2023 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Cherry Pie Picache and Edu Manzano breakup


Ano masasabi ni Cherry Pie Picache tungkol kay Edu Manzano?

Nagsalita ang aktres na si Cherry Pie Picache tungkol sa hiwalayan nila ni Edu Manzano.

Sa panayam ng ilang Entertainment reporters pagkatapos ng press conference ng Firefly, ang entry ng GMA sa 49th Metro Manila Film Festival, sinabi ni Cherry Pie na mabuting magkaibigan na lang sila ni Edu.

"We're very good friends, he's a very good person. We're very good friends," pag-amin ni Cherry Pie. "We will always love each other."

Naghiwalay man sila bilang magkarelasyon, iginiit ni Cherry Pie na hindi nasira ang kanilang pagkakaibigan.

"I think we always do love each other, and 'yun na nga, we're good friends."

Bukas kaya ang kanyang puso na magkaroon ulit ng kasintahan?

Sagot ni Cherry Pie, "Oo naman! Bat hindi, 'di ba? Pero habang wala, dapat masaya ka sa sarili mo. Lalo na after the pandemic, 'yung self love, hindi mo na kailangan iasa 'yung kaligayahan mo or kabuluhan mo bilang tao. Nasa sa 'yo."

"Ngayon, may partner o wala, okay lang. Let's be grateful for everyday."

Sinabi nina Cherry Pie at Edu na nagkaroon na nag-date na ng isang taon "two decades ago." Nag-rekindle silang muli nang magkasama sa isang teleserye noong 2020.

Bukod kina Cherry Pie at Edu, balikan kung sinu-sino pa ang naghiwalay na artista ngayong taon sa mga larawang ito: