
Hindi maikakailang labis na na-e-enjoy ni Zeinab Harake ang buhay niya ngayon kasama ang kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr., na isa ring basketball player.
Sa isa sa vlogs ni Zeinab sa kanyang YouTube channel, mapapanood ang kauna-unahang serious collaboration nila ni Bobby.
Sa question-and-answer vlog, sinagot ng couple ang ilang katanungan tungkol sa kanilang growing relationship.
Kabilang sa mga tanong na natanggap nina Zeinab at Bobby ay kung sino sa kanila ang handa nang mag-settle down sa buhay.
Seryosong sagot ng basketball player, “Ako, I feel like kahit sa career ko… with kids and family. Depende pa kung ano gagawin. But, siyempre, priority ang family ngayon.”
Sagot naman ni Bobby sa tanong kung sino na ang gustong magka-baby, “Ako, pero kasal dapat. Definitely, ready pero, siyempre, under the covenant of God.”
Ayon naman kay Zeinab, “Naghihintay na lang kami ng right timing.”
Sa kalagitnaan ng vlog, parehas na sinabi nina Zeinab at Bobby na naka-focus muna sila sa kanilang pamilya kasama sina Lucas at Zebbiana.
Panoorin ang kabuuan ng pag-uusapan nina Zeinab at Bobby rito: