GMA Logo Aga Muhlach
Screengrab from Ogie Diaz's YouTube channel
Celebrity Life

Aga Muhlach on failed relationships: 'If it's not working, why be together?'

By Jansen Ramos
Published February 23, 2024 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

City nabs suspects in anti-mendicancy poster vandalism
Angelina Jolie, ipinakita ang pilat mula sa kaniyang operasyon sa dibdib na mastectomy noong 2013
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Aga Muhlach


Nagpakatotoo si Aga Muhlach sa kanyang opinyon tungkol sa paghihiwalay ng isang mag-asawa: 'Kung pareho kayong 'di masaya, e bakit kayo magkasama? Para sa mga anak? Parang 'di ako naniniwala yata do'n kasi nakikita ng mga bata 'yun e. I think it's added stress for the children.'

Sa edad na 54, litaw pa rin ng kagwapuhan ng '80s matinee idol na si Aga Muhlach.

Happily married si Aga kay Charlene Gonzales kung saan mayroon siyang dalawang anak, sina Andres at Atasha.

Bagamat kontento sa kanyang buhay-may-asawa, hindi imposibleng may magkagusto pa sa mahusay na aktor dahil sa kanyang dating.

Sa YouTube channel ni Ogie Diaz, tinanong ng veteran entertainment reporter at talent manager si Aga kung meron pang pwedeng mahumaling o "kumindat" sa kanya sa kabila ng pagkakaroon nito ng successful marriage, na sinang-ayunan naman ng huli. "Hindi naman nawawala 'yan," sagot ni Aga.

Dugtong ni Aga, mahirap pumasok sa ganitong sitwasyon kaya minabuti niyang manatili sa tahimik na buhay. "Mahirap na baka makita n'yo pa e."

Paliwanag pa niya, isang commitment ang pagpapakasal, bagay na hindi na niya pinagsisisihan.

"When I made the decision to marry, it's because, number one, I wanted to settle down already. Number two, I love the girl. I didn't marry just to get married. I married because I want her as my partner for life. That was the decision and that decision that time up to now was the best decision I ever made."

Nalulungkot naman daw si Aga kapag may nababalitaan siyang hiwalayan pero hindi ito maiiwasan kapag hindi na kayang isalba. "I know how it is to have a family, to marry, and to have kids. It's fun, it's nice. It's supposed to be nice. If it's not working naman talaga, I think it's okay to separate. If it's not working, why be together?" sa palagay ni Aga.

Dagdag pa niya, "Marami nang nangyaring ganyan na naghiwalay noon at nakahanap sila ng bagong partner nila na ngayon happily married forever. Merong bagong kasal after five years or eight years, naghiwalay. Kinasal na ulit ngayon, they are 25 years married already. So hindi pala sila."

Ang paghihiwalay ay hindi madaling desisyon. Aniya, "Kaya lang minsan, syempre, mahirap maghiwalay po. Ang mag-asawa, 'pag 'di mo na gusto, 'pag 'di na kayo masaya sa isa't isa, paano n'yo sasabihin 'yun? Mahirap na talaga, 'di ba? Isipin mo, asawa mo, may anak kayo, paano mo sasabihin 'yun? 'Di ka na masaya e."

Pero, pagpakatotoo niya, ang panlalamig ng pagsasama ng isang mag-asawa ay may epekto rin sa mga anak.

"Kayong dalawa, you try. Kung pareho kayong 'di masaya, e bakit kayo magkasama? Para sa mga anak? Parang 'di ako naniniwala yata do'n kasi nakikita ng mga bata 'yun e. I think it's added stress for the children because love should overflow from the parents down to the kids.

"Love is not salita. Love is action. Kumbaga love is not love if there's no action so love should flow."

Panoorin ang buong interview ni Aga sa video sa ibaba.