
Binalikan ni Daiana Menezes ang kanyang failed relationships at inilahad ang mga natutunan niya mula sa mga ito. ay nagbahagi ng kaniyang mga aral na natutunan sa kaniyang mga failed relationships.
Sa panayam sa kanya ng kapwa aktres na si Aiko Melendez para sa YouTube channel nito, binanggit niya na, "I got engaged once, I got involved with a co-worker of mine who is now married... lahat ng boyfriends ko Google mo lang 'yan, alam na."
Dugtong pa ni Daiana, "I think I had four or five boyfriends in my entire career here. Dalawang hindi Pinoy."
PHOTO SOURCE: YouTube: Aiko Melendez
Ayon kay Daiana sa mga relasyon na kaniyang napagdaanan, may natutunan siyang aral sa mga ito.
"Parang dumating ako sa point na siguro I want to do it right. If it's not adding to my life then, I am okay 'cause I can add into my life naman."
Diin pa ng host, model, at aktres, "I know it's a bitter talk kapag ganoon 'yung usapan, 'yung outlook mo, hindi maganda. I will save my love na lang to people who want to be loved."
RELATED GALLERY: Seven signs Daiana Menezes is a proud foreignay
Para kay Daiana may ibang mga taong maaaring pagmulan ng kaligayahan.
"There's a lot of people we can share our happiness with. If we can't find the male who is going to satisfy us for the rest of our lives, puwede naman siguro be happy on your own. Dapat buo ka muna bago ka mag-try magbuhos sa iba."
Sa ngayon ay nasa isang complicated relationship status daw si Daiana.
Kuwento niya sa vlog, "It's complicated. I've been with this American guy for almost six years now and then, now that his career is taking off, we're cooling off for a little bit. But we're still like very much in touch."
Panoorin ang kaniyang interview dito:
>
KEYWORDS: