Relationship

Celebrity couples na may malaking age gap

GMA Logo Celebrity couples na may malaking age gap
Photo source: pauleenlunasotto (IG), @beauty_gonzalez (IG), Gerlyn Mae Mariano

Photo Inside Page


Photos

Celebrity couples na may malaking age gap



Ang pag-ibig ay misteryoso, makapangyarihan at minsan mahirap maunawaan. Kaya nga kapag may mga taong nasa isang relasyon na hindi pangkaraniwan o 'di kaya'y hindi naaayon sa kung ano ang kinokonsidera ng lipunan bilang normal o nararapat, madalas sila ay kinukutya o pinupuna.

Noong unang panahon, isang taboo o paksang hindi madalas pag-usapan sa publiko ang mga May-December love affair, o 'yung mga magkarelasyong malaki ang agwat ng edad.

Ang nakasanayan kasi ng mga Pilipino ay magkalapit lamang ang edad ng mga magkasintahan o mag-asawa.

Madalas, kapag higit sampung taon ang agwat ng edad ng magkarelasyon ay nagiging tampulan sila ng tukso o 'di kaya'y palaging napagtsitsismisan.

Ngunit tulad nga ng isinulat ng makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar sa 'Florante at Laura,' ang pag-ibig ay makapangyarihan at kapag pumasok ito sa puso ninuman ay hahamakin ang lahat, masunod lamang ito.

Ganito nga ang nangyayari sa mga nag-iibigan na malaki ang agwat ng edad. Tila hindi na nila iniintindi kung anuman ang sabihin ng iba at mas nangigibabaw sa kanila ang kagustuhang ipaglaban ang kanilang pag-ibig.

Sa kasalukuyan, hindi na rin naman malaking isyu ang pag-iibigan ng dalawang tao na malaki ang tanda sa isa't isa o may malaking age gap.

Malaki na rin kasi ang ipinagbago ng lipunan sa pagdaan ng panahon. Mas malawak na ang pang-unawa ng mga tao at mas bukas na ang isip sa mga bagay na noon ay tila ipinagbabawal kahit wala naman talagang masama dito.

Sa Philippine showbiz, may mga ilan ding mag-asawa at magkasintahan na pinatunayang “age doesn't matter” pagdating sa pag-ibig.

Tila naging inspirasyon pa nga sila para sa ibang magkarelasyon na tulad nila ay malaki rin ang age gap.

Sila ang patunay na “love knows no boundaries,” maging sa edad. At hindi dapat maging hadlang ang malaking age gap para sa dalawang taong tunay na nagmamahalan.

Kilalanin ang mga showbiz couples na may malaking age gap sa gallery na ito.


Vilma Santos and Ralph Recto
Assunta De Rossi and Jules Ledesma
Tonyboy Cojuangco and Gretchen Barretto
Robin Padilla and Mariel Rodriguez
Heart Evangelista and Chiz Escudero
Hayden Kho and Vicki Belo
Pauleen Luna and Vic Sotto
Freddie Aguilar and Jovie Albao
Dionisia Pacquiao and Michael Yamson
Cherry Lou and Phytos Ramirez
Beauty Gonzalez at Norman Crisologo
Coco Martin and Julia Montes

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ