Celebrity Life

Julie Anne San Jose, handa na bang magpakasal kay Rayver Cruz?

By Jimboy Napoles
Published July 12, 2024 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

julie ann san jose and rayver cruz


Julie Anne San Jose kay Rayver Cruz: “Gusto ko siya na talaga.”

Very inspired ngayon si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa kaniyang kabi-kabilang proyekto sa singing at acting career.

Malaking bahagi ng inspirasyon ni Julie ay ang kaniyang boyfriend na si Rayver Cruz.

Kuwento ni Julie sa 24 Oras, sobrang swak ang personality nila ni Rayver, sa katunayan, nakikita niya raw ang kaniyang sarili sa kaniyang nobyo.

Aniya, “Hindi ko nga alam kung bakit 'di kami nag-aaway, e. Si Ray kasi parang ako siya or if I look in the mirror I see Ray. Para akong nakahanap ng katapat ko or nakahanap ako ng kapareho ko.”

Sinagot din ni Julie ang tanong kung plano na rin ba nilang magpakasal ni Rayver.

“Of course, we really do talk about it. Marami pa kaming mga pangarap individually but of course being together, we also want to achieve those dreams together.

“Right now, we're just not forcing things to happen and we're not really rushing,” ani Julie.

Dagdag pa ng singer actress, “Ako naman kasi I'm the kind of person na kung sino man 'yung ka-relationship ko or kung sino man 'yung other half ko, siyempre 'yun 'yung goal ko na gusto ko siya na talaga.”

Nauna na ring sinabi noon ni Rayver sa Fast Talk with Boy Abunda na si Julie na ang nakikita niyang babaeng kaniyang papakasalan.

“Para sa akin kasi, Tito Boy, everything happens for a reason, e, and Siya lang ang nakakaalam noon sa itaas. Para sa akin kasi yung river of hope ko, yung lakas ng loob ko ay nanggagaling kay Julie.

“So iniisip ko, may rason kung bakit si Julie, magkasama kami sa Holy Land. And for me, mind, body, and soul, kasal na ako sa kaniya,” pahayag noon ni Rayver.

RELATED GALLERY: Rayver Cruz's promise to Julie Anne San Jose: 'Nandito lang ako para mahalin ka habambuhay'

Samantala, bago magbalik bilang coach sa The Voice Kids, puspusan na rin ang paghahanda ni Julie para sa kanilang first-concert together ni Stell. Ito ay ang Julie X Stell: Ang Ating Tinig concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa July 27 at July 28.

Bukod pa rito, may special participation din si Julie sa highly-anticipated family drama ng GMA na Pulang Araw, kung saan gaganap siya bilang isang Bodabil star na si Katy Dela Cruz.