GMA Logo Elle Villanueva and Derrick Monasterio
Source: _ellevillanueva (IG)
Celebrity Life

Elle Villanueva sa relasyon nila ni Derrick Monasterio: 'Sa sobrang kalmado, naghahanap na kami ng away'

By Jimboy Napoles
Published July 14, 2024 7:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva and Derrick Monasterio


Nagkuwento si Elle Villanueva tungkol sa relasyon nila ni Derrick Monasterio.

Maraming fans ang natutuwa sa kilig relationship ng Kapuso couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Sa social media, kitang-kita ang pagiging sweet ng dalawa at pag-suporta nila sa isa't isa pagdating sa kanilang mga trabaho.

Sa shooting ng bagong GMA Station ID, nakapanayam ng GMANetwork.com si Elle. Dito nagkuwento ang aktres tungkol sa relasyon nila ni Derrick.

“Sa sobrang kalmado niya actually naghahanap na kami ng problema, ng away,” pabirong sinabi ni Elle.

Dagdag pa niya, “'Yun 'yung sabi niya sa akin recently, 'Mag-away naman tayo, kailangan may away tayo paminsan-minsan, para naman you know mag-grow.' Sabi ko, 'Okay sige anong pag-aawayan natin, wala talaga akong maisip,'” natatawang sabi ng aktres.

Pero paglalahad ni Elle, mahalaga sa kanila ni Derrick ang open communication.

Aniya, “Pero how to maintain, we are just open to each other, open communication. Kapag meron akong nakitang hindi gusto sa kaniya, sasabihin ko kaagad and he's willing to improve. Ganun din siya sa akin vice versa.

“Also, 'yung trust and 'yung respeto, importante din 'yun sa aming dalawa at sa relationship namin and we know our own priorities and goals kaya 'yon 'yon ang secret.”

Samantala, mula sa success ng kanilang pinagsamahang serye na Makiling, naghahanda na rin ngayon sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio para sa kanilang mga susunod na proyekto. Si Elle, sinusubukan ngayon ang pagho-hosting sa programang Dapat Alam Mo! habang mapapanood naman si Derrick sa kaniyang natatanging partisipasyon sa highly-anticipated series na Pulang Araw.

RELATED GALLERY: The sweetest moments of Derrick Monasterio and Elle Villanueva