#TrueLoveWaits: Mika dela Cruz and Nash Aguas's love story

Noong 2018, inamin ng aktor na si Nash Aguas sa isang press conference ang relasyon nila ng kababata niyang si Mika Dela Cruz.
Kasunod nito, ikinuwento ni Mika ang simula ng kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng isang Instagram post, kung saan inihalintulad niya ang kanilang love story sa international romantic-drama film na 'Love, Rosie.'
Nakilala ng marami sina Nash at Mika noong mga bata pa sila sa isang children's show, pero lingid sa kaalaman ng marami, matagal na silang magkakilala.
"Bago pa 'Goin Bulilit,' magkakilala na kami, nagkakilala kami sa movie namin na 'Tiyanaks,'" kuwento ni Mika.
"Takang-taka siya sakin kasi nung bata ako, di ako nagsasalita. Mahilig din ako sa kababalaghan,” pahayag ng aktres.
Simula noon, naging magkaibigan na sina Mika at Nash subalit pinagbawalan siya ng kanyang mga kapatid na magkaroon ng boyfriend hangga't hindi pa siya 18 years old.
"Nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binu-bully..hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY [I Love You] sa text, kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong mag-boyfriend hanggang mag-18 ako,” aniya ni Mika.
"Doon ako nag-start maging sobrang boyish, at sobrang na-brozone ko si Nashie,” sabi ng aktres.
Dahil masyado pa silang mga bata noon, hindi akalain ni Mika na matutuloy ang kanilang relasyon sa dami ng pinagdaanan nila sa loob ng 12 na taon.
Balikan ang love story nina Mika Dela Cruz at Nash Aguas at maniwala sa katagang, "What is meant to be, will be."
































