
Ipinakilala si Ivana Alawi bilang celebrity endorser ng bagong collaboration ng Filipino-owned jewelry brand LVNA by Drake Dustin sa international brand na Barbie nitong Huwebes, August 8.
Ayon sa actress-social media influencer, isang karangalan ang maihalintulad sa iconic toy, na lagi niyang nilalaro noong bata pa siya.
“It's an honor and I love Barbie. Ever since I was a kid, lagi akong naglalaro ng Barbie. Kahit yung movie pinanood ko and I really look up to Barbie. Ang ganda kasi tingnan.”
Katulad ng karakter sa movie adaptation ng Barbie, natutunan daw ni Ivana na, “You don't have to be perfect because you have to be you. Hindi naman na palaging perfect ka. So, when I watched the movie, sabi ko, ang ganda ng storyline. It's really being you and lahat ng emotions mo and all is valid.”
Bukod sa Barbie Doll, kilala rin ang Mattel toy na ka-partner nito na pinangalanang Ken.
Kaya naman sa media conference, hindi naiwasan ng entertainment media kung nahanap na rin niya ang Ken ng buhay niya.
“Hindi… pa,” natatawang pag-amin ni Ivana.
Agad naman niyang nilinaw na, “I'm dating other people, so hindi ako in a relationship.”
Sa hiwalay na panayam, inamin ni Ivana na maingat na siya ngayong sa pagpasok sa isang relasyon dahil naranasan na niyang masaktan.
“Siguro kapag nasasaktan ka, mas nagma-mature ka,” paliwanag ni Ivana.
Pag-alala pa niya sa dating heartbreak, “One month akong iyak nang iyak. Iniyak ko talaga siya. 'Tapos tinitingnan ko sa salamin, sabi ko, ang pangit-pangit ko siguro para lokohin ako. After a few years, I've worked on myself, talagang bahala kayo, mahalin ko talaga muna ang sarili ko.”
Kaya naman ngayon, aniya, “Hindi na ako masyadong nasasaktan, yung puso ko, kasi, alam mo, hindi na ako nagmamahal nang todo-todo. 50 [percent] na lang. Di ba, hindi mo naman dapat ibigay lahat. Yun ang mali ko dati, binibigay ko lahat.”
Sa ngayon, tila ine-enjoy na lang muna ang pakikipag-date. Katuwiran niya, “Di ba, if you're not sure with the one, wala namang masama kasi wala naman kayong commitment and you're not in a relationship. So, there's nothing wrong with also going out and have dinners and having nice conversations with other people.”
Pero tanong ng press, hindi ba mahirap ayain ng date si Ivana?
Inamin ng 27-year-old actress na minsan ay mga umaaming nai-intimidate sa kanya.
Kuwento niya, “Lalo na yung dating stage, lumalabas talaga ako, sabi ko, 'Bakit hindi ka nag-message?' Sabi niya sa akin, 'E, kasi, nakakahiya. Yung mukha mo pa lang nakaka-intimidate, nakakatakot ka. Baka mamaya i-judge mo ako.' Alam mo, isa sa mga problem ko yung face ko.”
Bukod sa kanyang mala-Barbie na hitsura, tila nakaka-intimidate din ang kanyang kasikatan at estado sa buhay.
Gayunman, sabi ni Ivana, hindi ito dapat maging isyu. Sa katunayan, mas gugustuhin niya ang lalaking may lakas ng loob na magpahayag ng nararamdaman sa kanya.
Sabi ng StarStruck alumna, “Ang hirap kasi ng mga hindi [confident], yung mga duwag. Ang dami talagang intimidated and they would tell me na, 'Alam mo, natakot talaga ako sa 'yo kasi mayaman ka na, you're doing well in life. What else can I offer to you?' What can you offer me? e, hindi naman ganun ang relasyon.”
Mensahe pa niya sa mga gustong makipag-date sa kanya,
“Kahit nga saan nila ako dalhin. Yung iba masyadong pasabog. Parang kapag masyadong sosyal, hindi rin ako nai-impress.
“Gusto ko tratuhin nila ako ng normal. Huwag silang mag-expect na, 'Ay gusto niyan sosyal.' Gusto ko ng normal date.”
Biro pa ni Ivana sa huli, mas gusto niya ang Pinoy, “Pero ang hirap. Sabi ko, hindi naman ako pang-AFAM.”
Samantala, tingnan si Ivana at ang kanyang kapwa StarStruck alumni sa gallery na ito: