
Nasorpresa ang mga tagahanga at followers ng social media personality na si Doc Alvin Francisco matapos malamang ikakasal na ang sikat na influencer.
Ito ay matapos mag-post ang photography service na Nice Print Photography ng mga larawan ni Doc Alvin at kanyang fiancee na nagngangalang Maki Bondoc mula sa kanilang pre-wedding photoshoot sa London. Kamakailan ay nagtungo si Doc Alvin sa Scotland at Ireland para magbakasyon.
Vintage ang tema ng prenuptial photoshoot ng couple na pumunta sa iba't ibang sikat na atraksyon sa London gaya ng St. Paul's Cathedral.
Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa doktor at content creator na nakilala sa pagbabahagi ng kaniyang mga kaalaman tungkol sa kalusugan at iba't ibang sakit ng tao.
Matatandaang nagkaroon ng guest appearance si Doc Alvin sa GMA afternoon drama na Abot-Kamay Na Pangarap.
NARITO ANG IBA PANG CELEBRITIES NA IKINASAL O IKAKASAL NGAYONG 2024.