GMA Logo jeffrey hidalgo
photo by: Aiko Melendez YT, jepoyhidalgo IG
Celebrity Life

Jeffrey Hidalgo, nilinaw ang relasyon nila ni Geneva Cruz

By Kristine Kang
Published October 7, 2024 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

jeffrey hidalgo


Ano kaya ang totoong relasyon nina Jeffrey Hidalgo at Geneva Cruz? Alamin dito:

Marami ang kinikilig kina Jeffrey Hidalgo at Geneva Cruz dahil sa kanilang hindi maitagong chemistry on at off camera.

Karaniwan, nakikita pa silang magkasamang nagbabakasyon, at tila ang mga larawan nila ay matamis sa paningin ng kanilang fans.

Kaya't marami tuloy ang nagtatatanong, ano nga ba talaga ang relasyon nina Jeffrey at Geneva?

Sa YouTube channel ni Aiko Melendez, napa-hot seat ang aktor nang tanungin ni Aiko ang gustong malaman ng netizens tungkol sa kanya at sa aktres.

Napatawa si Jeffret at sabay niyang iniklaro, "Hindi. Hindi talaga."

Paliwanag niya, "Very close kami pero hindi umabot doon [na nagkaroon ng relasyon]. Palagi kami hindi nagme-meet."

Inamin ng aktor na nagkagusto siya noon kay Geneva at niligawan pa niya ito noong bata pa sila. Nalaman na lang niya na nahulog din pala ang damdamin ni Geneva sa kanya noong nagkaroon sila ng mga panayam na magkasama kamakailan lang.

Nilinaw din ni Jeffrey tungkol sa kanilang mga litrato na nagbabakasyon sila magkasama bilang magkaibigan. Klaro niyang sinabi na hindi lang silang dalawa ang magkasama at madalas friendly outing nilangg magtropa.

"Very close talaga kami and until now whenever we're free, we really go out of town. Kasama din namin palagi si Rachel [Alejandro]. Kumbaga, bestie-sister ko na din siya," pahayag niya.

Pero ang ikinatutuwa nilang pareho ay ang mainit na pagtanggap ng kanilang loveteam. Kahit simpleng biro lang nila, pinaniniwalaan agad ito ng netizens at kinikilig pa.

Kaya naman may balak sina Jeffrey at Geneva na magsama ulit sa isang pelikula na magsisilbing pagbabalik nila sa iisang proyekto.

Balikan naman ang istorya ni Geneva Cruz tungkol sa kanilang grupo noon na Smokey Mountain, dito: