
Puno ng saya at kilig ang puso ni Kiray Celis sa anibersaryo nila ng boyfriend niyang si Stephan Estopia.
Sa isang Instagram post ay inilahad ni Kiray kung paano pinaghandaan ni Stephan ang kanilang anniversary.
Saad ni Kiray, "AKO NA ANG PINAKA MASAYA NGAYONG ARAW NATO!"
PHOTO SOURCE: kiraycelis / stephan.estopia
Ani Kiray, bumungad sa kaniya ang mga sorpresa ni Stephan nagbigay kilig sa kaniyang araw.
"Sinurpresa niya ako ng head spa tapos may mga decorations pa! At otw kami sa surprise dinner niya, may pa bulaklak galing parking. Huwaw naman! At napaka sarap ng dinner namin, siya rin namili."
Sa kabilang banda, inilahad ni Kiray ang kaniyang pagmamahal at pag-appreciate sa inihanda ni Stephan para sa kanilang anibersaryo.
"Goodjob today dad @stephan.estopia! Sa limang taon, grabe parin yung kilig at pagmamahal ko sayo. Never nabawasan, mas lalo pang nadadagdagan."
SAMANTALA, NARITO ANG SWEETEST PHOTOS NINA KIRAY AT STEPHAN:
KEYWORDS: