GMA Logo Mon Confiado
Photo source: TicTALK with Aster Amoyo (YT)
Celebrity Life

Mon Confiado, anak ang turing sa panganay ng ex na si Ynez Veneracion

By Karen Juliane Crucillo
Published January 28, 2025 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Mon Confiado


"Napamahal rin sa akin, para ko na ring sariling anak." - Mon Confiado

Sa dinarami-raming role ng aktor na si Mon Confiado, may isa pa siyang ginagampanan at iyon ay ang pagiging ama sa anak ng kanyang dating karelasyon na si Ynez Veneracion.

Sa interview ni Mon kasama si Aster Amoyo, nabanggit ni Mon na nanatili raw ang closeness nila ni Ynez kahit ito ay hiwalay na.

Ayon pa kay Mon, nanatili silang mag-bestfriend at mayroon na ring anak si Ynez. "'Yung anak niya [Princess Kayla], napamahal rin sa akin para ko na ring sariling anak," sabi ni Mon.

Ikinuwento niya rin na nakakatuwa dahil pinagkakatiwalaan siya ni Ynez pagdating sa bata at hindi rin naman siya pinagseselosan ng current partner nito.

"Talagang magkaibigan lang kami. Minsan concern lang rin sa bata, minsan ako nga 'yung naghahatid sa bata sa school," dagdag ng aktor.

Nakita raw ni Mon ang kanyang pagka-father figure dahil kay Princess Kayla. Minsan nga raw ay naipapasyal niya ang bata at karga niya ang bata.

Naniniwala itong napunan niya ang pagiging ama sana ng biological father sa bata.

Nabanggit din ni Aster ang lumang interview ni Mon na sinabi nito na gusto niyang pakasalan si Ynez noong sila ay nagkabalikan.

Sagot ng aktor, "Syempre during that time, wala naman akong masamang intensyon or wala naman akong alam kung anong mangyayari.”

Ngunit inamin nito na nag-iba ang kanilang track at priorities kaya sila nagkahiwalay.

Ngayon naman ay masaya si Mon para kay Ynez at sinabing "mas effective na magkaibigan kami."

Nagsimulang magkaroon ng relasyon sina Mon at Ynez noong 2000. Naghiwalay naman ang dalawa noong 2009.

Samantala, tingnan dito ang mga celebrities na naghiwalay at nagkabalikan din:

Panoorin ang buong interview ni Mon Confiado rito: