
Sinariwa ni Elvis Gutierrez ang pagmamahal niya sa kaniyang yumaong kabiyak na si Alexa Uichico noong Valentine's Day.
Related gallery: Balikan ang mga larawan ni Alexa Gutierrez dito
Isang Instagram post ang inilaan ni Elvis para kay Alexa, kung saan makikita ang throwback na black and white photo nilang mag-asawa.
Bukod sa kanilang sweet photo, mayroon ding nakaaantig na mensahe ang una para sa huli.
“It will always be you. Always and forever my love @alexaugutz,” sulat ni Elvis.
Sa isang pahayag, inilahad ni Elvis na una niyang nakatagpo at nakilala si Alexa sa party ng isa niyang kaibigan noon na ginanap sa Tagaytay.
Ang celebrity couple ay mayroong dalawang anak--sina Aria at Ezra.
Matatandaang si Alexa ay binawian ng buhay noong July 27, 2024, matapos ang kaniyang naging laban sa sakit na leukemia.