GMA Logo dustin yu and david licauco in pbb
Celebrity Life

David Licauco, may relationship advice para kay Dustin Yu

By Jansen Ramos
Published May 9, 2025 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

dustin yu and david licauco in pbb


Payo ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' houseguest na si David Licauco sa kaibigan niyang si Dustin Yu, huwag masyadong magpadala sa emosyon.

Perfect timing para sa Chinito Boss-sikap ng Quezon City ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Dustin Yu ang pagpasok ng kaibigan niyang si David Licauco sa Bahay Ni Kuya bilang houseguest.

Naging confidant ni Dustin ang Pambansang Ginoo matapos magkuwento tungkol sa lagay ng kanyang puso.

Inamin niya kay David na gusto niya ang housemate niyang si Bianca De Vera, na kilala bilang Sassy Unica Hija ng Taguig. Nag-aalala si Dustin sa kung ano ang magiging estado nila ni Bianca dahil isa siya sa mga nominado na maaaring ma-evict ngayong Sabado, May 10.

Pinayuhan naman siya ni David na huwag magpadala sa kanyang emosyon. Ani ng Pambansang Ginoo, "Huwag ka masyado maging emotional... think logical. So, ngayon huwag ka ma-anxious, huwag ka ma-stress na, 'Shucks, gusto ko ngayon.' Hindi, paglabas mo, puwede pa rin naman e, so kalma ka lang."

Dagdag pa ni David, hindi pinipilit ang isang bagay na nakatakda para sa iyo. "It's nice that you like someone but let things be naturally. Kung kayo, kayo. Kung hindi, hindi, 'di ba? Stay logical as much as possible."

Sa unang umaga ni David bilang houseguest, nagpatuloy siya sa pagbibigay ng payo kay Dustin matapos ang kanilang morning exercise.

Ika ni David, "Feeling ko, gusto mo may control ka sa lahat na baka 'di mo napapansin too emotional ka na nawawala ka sa sarili mo. 'Di ka naman gano'n e. Bago ka naman pumasok dito, 'di ka naman gano'n. Kung 'di mo ikokontrol 'yung situation, mas magiging okay. Mas magbi-build kayo ng good dynamic."

Dahil concerned kay Bianca, nanghingi rin ng advice si Dustin kay David pagdating sa mararamdaman ng una na nominado rin ngayong linggo. Tanong niya, "Paano 'pag s'ya naman 'yung emotional?"

Sagot naman ni David, "Just be there for her. Basically, you're building an unhealthy relationship if simula pa lang, tina-try mo na kontrolin lahat. So ngayon pa lang, build good habits so in the future mas okay. Andiyan na 'yung Dustin dati na respectful, maayos, kontrolado, hindi emosyonal tapos may girlfriend ka na gustong gusto mo. Parehas kayo nag-go-grow sabay outside the relationship and inside the relationship pero magiging healthy, gets? Let it be, bro."

Para kay Dustin, mahalaga na i-acknowledge din ang feelings ni Bianca.

Aniya, "Dapat ba mag-detach na kami? Sabi ko, game. Kung 'yan 'yung gusto mo so ni-let go ko na rin, bro, kasi napagdaanan ko na ito dati. Nasabi ko na sa kanya 'yung point of view ko na 'Gusto talaga kita, 'wag ka mag-worry,' ganyan. Nasabi ko na 'yun lahat so parang this time, sabi ko, ako naman makikinig sa gusto mo so hinayaan ko na lang."

Bagamat hindi madali ang kanilang sitwasyon ni Bianca, naliwanagan si Dustin sa pinupunto ng kanyang kaibigang si David.

Patuloy niya, "Although, masakit kasi [may na-build na kaming samahan]...Imagine-nin mo bro, every day kami magkasama. Pero again, ako ngayon, medyo okay naman. Naiintindihan ko na rin lalo na 'yung sinabi mo sa 'kin na let things be. Tama ka naman."

Nominado rin ang duo na sina Josh Ford at Ralph De Leon na binansagang Survivor Lad ng United Kingdom at Dutiful Judo-son ng Cavite.

Nominado rin ang Golden Aktres ng Rizal na si Xyriel Manabat at ang Island Ate ng Cebu na si Shuvee Etrata.

Sinong duo kaya ang lalabas na sa Bahay ni Kuya?

Abangan ang kasagutan at iba pang susunod na mga sorpresa at twists sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Related Content: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'