IN PHOTOS: Kiray Celis at ang jowable niyang boyfriend

GMA Logo Kiray Celis and boyfriend Stephan Estopia

Photo Inside Page


Photos

Kiray Celis and boyfriend Stephan Estopia



Tila nahanap na ni Kiray Celis ang kanyang “The One” sa katauhan ng current boyfriend niyang si Stephan Estopia.

Kita rin sa mga post ni Kiray sa social media kung gaano niya kamahal ang binata. Ilang beses na ring nag-viral ang kanilang sweet photos online dahil maraming netizens ang nagpakita ng suporta sa relasyon nila.

Matatandaang ilang beses nang nabigo sa pag-ibig si Kiray at malaki aniya ang pasasalamat niya dahil nakilala niya si Stephan na muling nagpatibok ng kanyang puso at sobrang nagpapasaya sa kanya.

Unang isinapubliko ni Kiray ang relasyon niya kay Stephan noong January 2020 kasabay ng pagdiriwang nila ng first month bilang magkarelasyon.

Noong December 13, 2020 naman ay ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary. Magkahiwalay nila itong sinalubong dahil nasa lock-in taping si Kiray ng defunct romantic-comedy Kapuso series na 'Owe My Love.'

Pero hindi ito naging hadlang para sa dalawa. Sa katunayan, sinorpresa nila ang isa't isa. Si Kiray ay pinadalhan ni Stephan ng bouquet of roses at chocolates sa set habang nag-padeliver naman ang aktres ng cake para sa boyfriend.

Samantala, iba't ibang nakatatawang hirit ang tampok sa YouTube channel ni Kiray at hindi mawawala sa content ng aktres ang mga nakakikilig nilang paandar ni Stephan.

Bukod dito, sa mga nakalipas na media interview ay inamin din ni Kiray na napapag-usapan na nila ang pagpapakasal.

Ibinahagi rin niyang iniisip nilang sa ibang bansa mag-settle down pagkalipas ng ilang taon dahil may balak na mangibang bansa si Stephan para roon magtrabaho.

Anu-ano kaya ang ang mga katangiang nahanap at minahal ni Kiray Celis sa kanyang “The One”?

Alamin sa gallery na ito:


Johanna Ismael Celis
Stephan Estopia
Maalaga
Proud to have her
Sweet
Sumasabay sa trip
Mahilig mag-travel
Supportive
Food buddy
Full of surprises
Reciprocate
Affectionate
Graduation
Biggest fan
First anniversary
Gift
Wedding plans
Monthsary
Birthday
Lessons
Tattoo
Long ride with love
Second anniversary
Boracay 2021
Meet the Family 
New tattoo: Kiray Celis

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit