TINGNAN: Kilig photos nina Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan

GMA Logo Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan

Photo Inside Page


Photos

Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan



Marami mang bumatikos sa kanilang relasyon noon, pinatunayan nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan na tunay ang kanilang pagmamahalan.

Maraming pumuna sa halos 30 years age gap nina Aiai at Gerald pero hindi sila nagpadala sa mga mapanghusgang komento.

Tila sanay na si Aiai sa ganitong intriga dahil paboritong kuwestiyunin ng publiko ang kanyang buhay-pag-ibig.

Malayo sa kanyang imahe on-screen bilang Comedy Queen, hindi naging maganda ang kanyang karanasan mula sa kanyang dating mga nakarelasyon.

Ang late theater actor na si Rey Maltezo Dela Cruz ang biological father ng kanyang panganay na si Sancho.

Noong 1989, ikinasal si Aiai sa singer/actor na si Miguel Vera at biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Sean at Sophia.

Matapos ang pitong taon, ikinasal naman siya sa businessman na si Jed Salang. Sa loob ng isang buwan, naging biktima ng physical abuse si Aiai mula sa kamay ni Jed kaya minabuti niyang tapusin ang kanilang kasal.

Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ng Kapuso star kaya labis niyang pinagpapasalamat sa Panginoon ang pagdating ni Gerald sa kanyang buhay.

Tingnan ang kanilang mga larawan sa gallery na ito:


Wedding
Children
Mother
Blessing
Supportive
Pilot
Future
Business
God-centered
Mr. & Mrs. Sibayan

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ