Golden Cañedo's sweet photos with non-showbiz BF Martin Raval

GMA Logo Golden Canedo and BF Martin Raval

Photo Inside Page


Photos

Golden Canedo and BF Martin Raval



Hindi lang sa kanyang music career winner si 'The Clash' Season 1 grand champion Golden Cañedo, kundi sa kanya ring love life.

Sa katunayan, magdadalawang taon na ang kanyang relasyon kay Martin Raval sa Agosto 2021.

Sa Amerika naka-base si Martin pero pinatunayan nila ni Golden na hindi hadlang ang distansya sa kanilang pag-iibigan.

Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng singer, "Mahirap, siyempre, pero ginagawan po namin ng way para ma-feel pa rin namin 'yung love kahit na it's just text or video call lang po.

"If mahal mo 'yung isang tao mapi-feel mo siya through your heart kahit wala siya sa tabi mo kasi kung mahal mo, hihintayin mo na magkasama kayo."

Matagal na palang tagahanga ni Golden si Martin. Noong 2017 unang nag-message ang binata kay Golden sa social media account nito ngunit hindi ito napapansin ng Kapuso star.

Hanggang sa nagkaroon ng concert ang 'Studio 7,' kung saan kabilang si Golden, sa New York noong 2019.

Hindi na pinalampas ni Martin ang pagkakataong iyon para ma-meet nang personal si Golden at doon na nga nagsimula ang mga palitan nila ng messages sa Instagram.

Tingnan ang sweet photos nina Golden at Martin dito:


Golden and Martin
LDR
Travel
London Eye
World
San Francisco
Burger
Tagaytay
Relief aid
In love
Valentine's Day
Pillow
Head over heels

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo