LOOK: Sino si Mygz Molino sa buhay ni Mahal?

Hindi maikakaila ang closeness ni Mgyz Molino at ng komediyanteng si Mahal.
Si Mygz ay isang modelo at indie actor.
Taong 2014 ang unang public photo niya kasama si Mahal ngunit nakatrabaho niya noong 2012 ang komediyante para sa pelikulang 'Id'Nal.'
Lumipas ang mga taon at lalo lang naging malapit ang dalawa sa isa't isa. Ang ilan pa sa kanilang videos, mapapansin ang kanilang kulitan at lambingan.
Sino nga ba si Mygz at sino siya sa buhay ni Mahal? Mas kilalanin pa siya sa gallery na ito.














