Meet Aiai Delas Alas's hunk husband Gerald Sibayan

Happily married ang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa kaniyang asawang si Gerald Sibayan.
Ikinasal sina Aiai at Gerald noong December 2017. Star-studded ang kanilang pag-iisang dibdib dahil ilang bigating stars ang dumalo rito kabilang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Present din sa event sina GMA Network Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon at Ms. Roselle Monteverde ng Regal Films.
Nananatiling matatag ang samahan ng dalawa sa kabila ng mga pambabatikos na natanggap nila noon mula sa ilang bashers. Kabilang na rito ang pagsasapubliko ni Aiai na mayroong nagtangka umanong umagaw sa asawa niya, na isa nang licensed pilot.
Idinaan ng komedyante ang pasaring niya rito sa isang social media post noong January 2020. Sa naturang post, nagpasalamat si Aiai sa Diyos sa lahat ng biyayang natanggap niya kabilang na ang pagiging maybahay ni Gerald. Sa dulong bahagi ng post ay sinabi niyang para raw ito “sa mga gusto agawin ang asawa ko, 'wag ng umasa may nanalo na --- AKO! Uwi na at manahimik sa mga bahay n'yo.”
Samantala, sa isa sa mga recent post niya, ibinahagi rin ng multi-awarded actress na sa ilang taon nilang pagiging magkarelasyon ay napakarami na nilang pinagdaanan ni Gerald. Aniya, nakilala niya itong “bagets” na atleta. Dati kasing kabilang sa Badminton National Team si Gerald.
Dagdag pa niya, nakita niya kung paano nagpursige ang asawa niya hanggang sa makapagtapos ito ng pag-aaral at naging coach sa De La Salle University.
Saksi rin si Aiai sa isa sa mga pinakamalalaking achievement ni Gerald - ang maka-graduate sa aviation school at maging lisensyadong piloto.
Bukod dito, katuwang din ni Gerald ang aktres sa goal nitong maging fit at buff. Kung may pagkakataon kasi ay magkasama silang mag-workout ni Aiai. Bumili na rin sila ng gym equipment para patuloy na makapag-exercise kahit nasa bahay lamang sa gitna ng pandemic.
Sa mga post ni Aiai sa social media kapansin-pansin na labis ang saya na kaniyang nararamdaman tuwing naiisip niyang mayroong isang lalaki na tunay na nagmamahal sa kaniya.
Kilalanin ang lalaking nagpapatibok sa puso ng nag-iisang Comedy Queen sa gallery na ito:












