IN PHOTOS: Phytos Ramirez and Cherry Lou's relationship timeline

Happily in love si Phytos Ramirez sa kanyang kapwa artista na si Cherry Lou, 38.
Thirteen years ang pagitan ng edad ng 26-year-old Kapuso star sa magandang aktres pero hindi nila alintana ang kanilang malaking age gap. Si Cherry Lou ay may tatlong anak sa kanyang dating asawang si Michael Agassi.
December 2020 lamang ibinulgar nina Phytos at Cherry Lou ang kanilang relasyon na sinuportahan ng kani-kanilang Instagram followers.
Ito ay matapos mag-post si Cherry Lou ng kanyang larawan kung saan may hawak siyang sunflowers na may dedication pang, "You are my sunshine [wink]."
Naka-tag sa post si Phytos at sa caption, sinabi ni Cherry Lou, "Thanks for being so sweet...wow 🥰. This is such a sweet surprise... it's not even my birthday... thank you... I knew that you spent effort to make sure I will feel better and to feel awesome. Thank you for showing and giving me everything I need to be happy... Thank you. I am so touched. Ikaw na ang pinaka-sweet na taong kilala ko. I am lucky. I love you."
Ipinahayag naman ni Phytos na seryoso ang pagtitinginan nila ni Cherry Lou nang mag-post ang Kapuso actor sa kanyang Instagram Story ng isang quote na may mga salitang, "I date to marry. Not to date for one or three years and breakup. I'm willing to fight for anything to keep the relationship going." Naka-tag sa naturang post ang 38-year-old niyang girlfriend na si Cherry Lou.
Tingnan ang relationship timeline nina Phytos at Cherry Lou dito:














